Dumaan sa isang gas station ang lahat para magbreakfast, lahat ay excited sa kanilang first ever out of town na sila sila lang.
"Hay ang saya talaga kapag ang kasama mong magbe-beach ay barkada."si Kristine
"Sus! Ang sabihin mo kaya ka masaya kasi kasama si Vince."si Marco
"Oo nga."si Kisses
"Grabe kayo sa'kin ah! Pero masaya naman ako 'nung nag Sagada tayo kayalang hindi natin masyadong na-enjoy kasi nga may nangyari."si Kristine
"Guys kalimutan na muna natin 'yung mga problema natin sa Manila, kaya nga tayo magbabakasyon sa resort nila Kristine para makalimot sa mga problema."si Vivoree
"Tama si Vivoree, dapat mag-enjoy lang tayo."si Maymay
"Alam mo May hindi ka pa rin nagbabago you're still positive as ever. Siya nga pala hindi pa ako nakakapagpasalamat sa inyo dahil tinanggap niyo ulit ako."si Vince
"Tinanggap ka namin dahil nangako ka na magbabago ka na at magiging totoo ka na sa'min."si Edward
"Sana lang panindigan mo na 'yun dahil ito na 'yung huling chance na ibibigay namin sa'yo."si Marco
"Basta mahalin mo si Kristine, make everything worth the wait."si Maymay
"Mahal na mahal ko si Kristine, Maymay, at lahat gagawin ko para 'yung relasyon namin maglast forever."si Vince
"Sus lambingan pa more! Ang aga aga."si Vivoree
"Ayan kasi Vivoree! Pinakawalan mo pa kasi si Tristan e."si Kisses
"It's not my fault kung hindi siya naghintay, baka talagang he's not the right guy for me. Tsaka okay lang na ako lang ang single sa barkada hindi naman ako nagmamadali e."si Vivoree
"Anong ikaw lang ang single sa barkada? Ako rin kaya!"si Maymay
"*napatingin kay Edward* Edward, may plano na ba kayo ni Nikka for the wedding?"si Marco
"Actually hindi ko alam, si Nikka tsaka yung coordinator namin ang nag-aayos, wala kasi akong balak makialam dun e."si Edward
"Edward, you also have to be hands on in your wedding, minsan ka lang ikakasal."si Kisses
"Minsan na nga lang ako ikakasal, sa maling babae pa."si Edward
"Sabi na kasi kalimutan muna ang mga problema! Iwanan muna natin sa Maynila, dapat lahat tayo mag-enjoy sa bakasyon na 'to!"si Kristine
"Usapang matino yan ha! Walang bad vibes."si Maymay
Pagkatapos kumain ay nagpaalam si Maymay at Kisses para magCR, ang iba ay nauna na sa sasakyan.
"Are you okay ate Maymay?"si Kisses
"Of course. Hindi ko lang talaga maiwasang masaktan sa tuwing maalala ko na ikakasal sa ibang babae si Edward."si Maymay
"Syempre, mahal na mahal mo siya e."si Kisses
"Hindi pala totoo 'yung sinasabi nila na makapangyarihan ang pag-ibig, kasi kung totoo 'yun bakit hindi ko nagawang ipaglaban siya."si Maymay
"Ano naman ang laban sa buntis? Tsaka baka talagang hindi kayo ni Edward."si Kisses
"Bakit pa kami pinagtagpo ulit kung hindi rin naman pala kami?"si Maymay
"Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo ate Maymay, basta gusto kong malaman mo na kahit ikakasal na ako nandito pa rin ako lagi para sa'yo."si Kisses
"Salamat Kisses, na-appreciate ko 'yung concern mo sa'kin pero isipin mo rin na kapag kinasal ka iba na ang priority mo at nasa asawa mo na 'yun."si Maymay
BINABASA MO ANG
If We Fall in Love
RomanceNang magdesisyon si Nikka (Heaven Peralejo) na tuparin ang kanyang pangarap na maging isang sikat na model sa America ay ipinagkatiwala niya ang kanyang boyfriend na si Edward (Edward Barber) sa kanyang pinsan slash best friend na si Maymay (Mayma...