Sa coffee shop ni Kisses at Vivoree..
"Uy mukhang sobrang busy ata ni soon-to-be Mrs.Santiago."si Vivoree
"Uy Vivoree, nandito ka na pala, sorry ah hindi na kita nasalubong ang dami ko kasing inaasikaso dito sa office e."si Kisses
"E bakit nga ba? Ano ba 'yung mga 'yan?"si Vivoree
"Inaasikaso ko na kasi 'yung mga dapat ayusin dito sa coffee shop. Alam mo naman na magiging busy na kami ni Marco para sa preparations ng kasal."si Kisses
"So may final date na ba kayo?"si Vivoree
"Napag-usapan namin kagabi na it's either January or February next year? Syempre marami-rami pa kaming kailangang asikasuhin ni Marco."si Kisses
"I think January would be a perfect month for your wedding, para naman by October or November e may inaanak na kami."si Vivoree
"Vivoree ikaw ah ang naughty naughty mo! Baby agad?"si Kisses
"Joke lang syempre. Sandali, hindi pa tayo nakakapagreunion na tayo tayo lang nila Marco, Kristine at Edward ah."si Vivoree
"Ay oo nga, kasi 'nung welcome home dinner ni Edward kasama natin 'nun sila Nikka."si Kisses
"Why not tonight?"si Vivoree
"Sige tatawagan ko si Marco para masabihan niya si Edward na magbo-bonding slash reunion tayo mamayang gabi."si Kisses
"Uy malapit na umuwi si ate May, next week na pala agad yung flight niya pabalik dito."si Vivoree
"Oo nga e, mas lalo tuloy akong na-excite kasi makakasama natin si ate Maymay sa mga gagawin nating preparations sa kasal namin ni Marco."si Kisses
"Dapat siguro magplano tayo ng surprise para kay ate Maymay, ano sa tingin mo?"si Vivoree
"Paplanuhin natin 'yan mamayang gabi, pero sa ngayon magback to work na tayo dahil marami pa tayong kailangang asikasuhin dito sa coffee shop."si Kisses
"Oo nga naman, o sige na Mrs.Santiago mauna na ako ah!"si Vivoree
"O saan ka naman pupunta?"si Kisses
"E di iche-check ko 'yung mga inventories dun sa isa nating branch sa mall, baka mamaya niyan nakalimutan na naman ni Minerva na icheck yun."si Vivoree
"Mabuti pa nga! Pero bumalik kaagad ha!"si Kisses
"Opo!"si Vivoree
Si Nikka naman ay hindi mapakali kaya nagdesisyon siyang puntahan si Edward sa bahay nila. Si Marissa naman ang nagbukas ng pintuan..
"Good morning po."si Nikka
"Good morning. May kailangan ka ba?"si Marissa
"Si Edward po sana 'yung gusto kong makausap, tita."si Nikka
"Bago ko ipatawag ang anak ko, matanong nga kita, ano ba talagang balak mo sa anak ko?"si Marissa
"Mahal ko pa rin po si Edward, hindi po nagbabago 'yung nararamdaman ko para sa kanya, handa po akong gawin ang lahat para mabawi siya."si Nikka
"Ako na ang magsasabi sa'yo nito kesa sa anak ko pa mismo manggaling dahil mas masakit, hindi ka na niya mahal Nikka, matagal nang hindi."si Marissa
"Si Edward po ang pinunta ko dito, hindi po ang pang-iinsulto niyo sa'kin."si Nikka
"Hindi kita iniinsulto Nikka, nagsasabi lang ako ng totoo. Bakit nasasaktan ka? E kasi totoo Nikka, hindi ka na niya mahal."si Marissa
"Pwede po bang kausapin ko na lang ang anak ninyo."si Nikka
BINABASA MO ANG
If We Fall in Love
Любовные романыNang magdesisyon si Nikka (Heaven Peralejo) na tuparin ang kanyang pangarap na maging isang sikat na model sa America ay ipinagkatiwala niya ang kanyang boyfriend na si Edward (Edward Barber) sa kanyang pinsan slash best friend na si Maymay (Mayma...