Chapter 23

11.4K 459 108
                                    


MIRAJANE



Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. Nararamdaman ko na ang pagbabadya ng pagkahulog ng mga luha na kanina pa namumuo sa mga mata ko.


Ang tatlong segundo ay tila naging napahaba na kinaya nitong saktan ako hanggang sa kaluluwa ko. 


"Mira?" nag-aalalang tawag ni Cleo sakin. 


Nakita ko ang pagtulak ni Terrence sa babae. Natatandaan ko s'ya. Seara. 


Kahit na tinulak na s'ya ni Terrence ay lumapit lang ulit ang babae at idiniin ang sarili n'ya. Muli n'yang inangkin ang labi ng asawa ko. Inangkin n'ya ito sa paraan na kahit kalian ay hindi ko pa nagagawa. 


Kumuyom ang mga palad ko sa galit na mabilis na kumalat sa sistema ko. 


Nag-aalalang hinawakan n'ya ang siko ko. Napatingin sila sa tinitignan ko. Mabilis ang naging kilos ni Courtney. Nagmamadaling hinablot s'ya ni Cleo.


"We still don't know. We should watch more. Let's see how Terrence will handle this" kalmadong sabi ni Cleo. 


Huminga nang malalim si Courtney. Mukhang nakukuha ang punto ni Cleo.


Maging ako ay iginiit 'yon sa sarili ko.


Tahimik na lumapit kami at kumubli sa mga halaman.


"Terrence?!" gulat na sabi ni Seara habang nakatingala kay Terrence. Ngayon ay nakasadlak na s'ya sa damuhan dahil sa pwersahang paglayo ni Terrence sa kanya.


Nakatalikod si Terrence sa gawi namin kaya hindi ko nakikita ang reaksyon n'ya. Ang tanging nakikita ko lang ay ang pagkuyom ng mga palad n'ya. 


"I don't want to hurt you physically, Seara" mariing sabi ni Terrence. May himig ng pagbabanta doon. "Get the fucking hell away from me"


Hindi s'ya nakasigaw, pero sa paraang ng pagsasalita n'ya ay para s'yang bumubuga ng asido.


"What the fuck, Terrence?" nanginig ang boses ni Seara. Tinayo n'ya ang sarili n'ya at humakbang ng isang beses palapit sa asawa ko. Akmang hahakbang ulit s'ya pero natigil s'ya. Dahil ba sa tingin ni Terrence?


"You know what  the fuck it is" sagot ni Terrence. "I already told you to stay out of my life" he said in a firm tone. "And what the fuck did you do to my wife? Really, Seara? Steal her gown?" he sarcastically said. "You're taking it against her that she's young. Too young for me. But look who's acting immature and desperate" nang-iinsultong sagot n'ya.


Nakita ko ang pag-awang ng bibig ni Seara. Alam ko na hindi tama na makaramdam ng saya sa kamiserablehan ng iba, pero may munting tagumpay akong naramdaman sa puso ko. Tumigil ang pagpatak ng mga luha ko. 

Give a Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon