Chapter 27

10.9K 392 34
                                    


MIRAJANE



Ang sabi nila, ang tunay na kaligayahan at makikita at mararamdaman sa mga simpleng bagay lang. Iyon at ang hindi mabibili ng kahit na ano'ng yaman.


At itong simpleng paglalakad namin ni Terrence sa hardin sa likod ng bahay nila Neil at isa sa mga simpleng bagay na lubos na nakapagpapasaya sakin. 


Kapwa kami tahimik na mabagal na humahakbang sa damuhan at ninanamnam ang ang malamig at preskong simoy ng hangin. Ang kanang kamay ko at nakakulong sa kaliwang kamay n'ya. Paminsa'y tumitingala ako sa langit kung saan libo-libong mga bituin ang nagbibigay ganda sa kadiliman ng kalangitan. 


Napakapayapa sa pakiramdam. Na kung maaari lang na itigil ang oras, hiniling ko na iyon sa lahat ng mga bituin na kayang abutin ng aking paningin. 


Tumawid kami sa kahoy na tulay para makalapit sa mababang talon. Hindi naman iyon gaanong mahaba. Sa ilalim at paligid at may iba't ibang uri ng mga isda na malayang lumalangoy sa tubig na nagmumula pa sa talon. Sa tingin ko at manmade lang naman ito. 


"Give me your ring" sabi ni Terrence nang tumigil s'ya sa paglakad at humarap sa akin. Inilahad n'ya ang kamay sa harap ko.


Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. 


"Come on, baby. Just give me your rings" masuyong sabi n'ya.


Naguguluhan man, tinanggal ko ang mga singsing sa daliri ko at inilagay iyon sa palad n'ya. 


Hinubad n'ya din ang singsing n'ya. 


Iginiya n'ya ako pabalik sa gitna ng tulay at niyakap ako mula sa likod. Dinungaw ko ang mga isda habang may takot at kabang nararamdaman. 


Bakit kailangan na hubarin naming ang mga singsing? Ayaw n'ya na ba sa relasyon namin? Makikipaghiwalay na ba s'ya sakin at ipawawalang bisa na ang kasal naming?


Napasinghap ako nang itapon n'ya sa tubig ang tatlong singsing. Agad na nagsilayuan ang mga isda sa parte na binagsakan nito.


Tila gusto ko kumawala sa yakap n'ya at tumalon sa tubig para mabawi ang mga singsing.


"Tee! Bakit mo 'yon ginawa?" nanginig ang boses ko.


Humigpit ang yakap n'ya sakin at naramdaman ko ang tungki ng ilong n'ya sa tainga ko.


"Because that symbolizes how I forced everything to you" masuyong sabi n'ya at may nabanayad akong kaonting lungkot doon. "You were conceived when I forced myself on you. You married me because I left you without a choice. You became my wife because you're too afraid that I'll take Tricia away from you" He kissed my shoulder. "And that's not the memory I want you to carry as you grow old with me. That's not the story I want you to remember as you look at your ring finger

Give a Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon