Chapter 21

14.7K 414 38
                                    


MIRAJANE



"Good morning, Mr. Amante" magalang na bati ng babae sa reception desk. Ang buong pansin n'ya ay nasa lalaking nakahawak sa kamay ko.


Hinila na ako ni Tee papunta sa elevator. Ni hindi man lang ngimiti sa babae.


"Mira, it might last for an hour or so. I'm sorry" masuyong sabi n'ya.


"Okay lang naman" sagot ko. "May iba ka pang opisina?" tanong ko dahil hindi naman 'to ang building ng AGC kung saan alam ko ay nagta-trabaho s'ya.


"I invested in this company. I have other small time companies, baby. I can't stick with the AGC alone" seryosong sabi n'ya at nagtipa na sa telepono n'ya. "This is the main office of a construction firm. I invested in this company last year. It's a joint venture with Ryder Delacroix"


"Family company n'yo 'yon 'di ba?" takang tanong ko.


Sa mga napapanood ko kasi sa telebisyon, ang mga magkakapatid ay nag-aaway-away para sa kompanya. Si Terrence ay tila walang pakielam.


"It is. The more reason I have to spread my influence." sagot n'ya sa tanong ko. "Megan will have forty percent of the company since she's the only heir of Uncle Alfonso. By the way, Meg is my cousin on my father's side. Kuya's busy with his wife's company. And between Troy, Megan and I, Troy will more likely lead the company because he's the eldest" he explained. "Kuya, Troy and I have fifteen percent each. Megan have forty percent. And the other were owned by investors. Nothing spectacular will happen to our future children if I'll stick with the AGC alone" he smirked.


He draped his arm around me. "We own forty five percent of this company" 


Hindi ako nakakibo. Hindi ko alam na ganito ka-advance mag-isip si Tee. Si Tricia palang ang anak namin, pero children na agad ang nasa isip n'ya. 


"Would you want to go with me in the meeting or you want to stay on my office?" he asked while caressing my lower back. 


"Sama nalang ako sa'yo" sagot ko sa kanya.


Gusto ko kasi magkaroon ng idea kung ano ba ang mga trabaho ni Tee, at wala naman akong magagawa sa opisina n'ya.


Inalalayan n'ya ako palabas ng elevator. Pumasok kami ni Tee sa isang wooden double doors. Agad na ngumiti ako kay Paula nang makita ko s'ya na nakaupo sa isa sa mga upuan.


"Terrence" Malaki ang pagkakangisi na bati ng isang lalaki sa kanya.


"Ryder" bahagyang tumango si Tee sa kanya.


Medyo nailang ako sa pagpirmi ng mga mata n'ya sakin. Napakapit ako sa braso ni Tee nang hinagod ng mga mata n'ya ang katawan ko.

Give a Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon