Chapter 48

12.3K 379 55
                                    


MIRAJANE



"Miss Mira, may naghahanap sa inyo sa baba. Kaibigan n'yo daw po" sabi sakin nang isang kasambahay matapos kong buksan ang pintuan ng kwarto namin ni Tee. 


Nginitian ko s'ya. "Thank you, Nena. Susunod na ako"


Dahil sa mga pangyayari ay hindi na muna ako lumalabas ng bahay. Noong huling beses na lumabas ako at nakipagkita kay Cacai, may mga reporters na sinubukang hingin ang opinion ko. Hindi birong tao si Terrence kaya naging malaking usapin ang kaso na isinampa n'ya, at mainit ang mga mata ng media sakin dahil gusto nilang ikwento ko ang mga nangyari. 


Minabuti ko nalang na manatili na muna dito sa bahay. 


Pumasok ako sa closet at kumuha ng cardigan bago ako bumaba. Hindi ko kasi alam kung sino ang haharapin ko kaya minabuti ko na magmukhang pormal kahit papaano. 


Nang makababa ako sa fornt yard, kung saan tinatanggap ang mga bisita na hindi kilala at hindi madalas dito sa bahay, ay nakita ko ang isang dating kaibigan na namamanghang nakatingala sa mansyon ng mga Amante. 


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang Makita ko si Farina. Matagal kaming hindi nagkita, at hindi ko na inaasahan na magkikita pa kami. Sa totoo lang, hindi ko na gusto na Makita pa s'ya. 


Nanginginig ako sa galit ngayon na nakita ko na naman s'ya. Ang kapal naman ng mukha n'ya. 


"Farina" tawag ko sa atensyon n'ya. 


Saka lang n'ya ako nilingon at napansin. Malawak na ngumisi s'ya sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Bahagyang nanlamig ang pakiramdam ko. 


"Mira!" she smirked. "Look at you, you've changed a lot" she stressed the obvious. 


I changed my style. I should always be presentable because I am my husband's wife. Ayoko na maging kapintasan ni Tee. I know that I should fit in his world. 


"You used to be so cheap. It never crossed my mind that you'll be a gold digger" she grinned. "And look where it got you. You're a classy bitch now. Mukha ka nang mayaman, pero umaalingasaw pa din ang pagiging bulok mo" she sharply said.


I crossed my arms. All the pent up hatred I have for her rose from the depth of my being. Everything she did against me rushed back like a whirlwind. I hate her to the core. She's part of the past that I want to forget. 


"Ikaw din. You changed" I said. "You became worse. Kung dati mukha ka lang malandi, ngayon mukha ka nang pokpok" I said.


She shot me a dagger look. If I was the old Mira, I'll back down. But this is the new Mira. I am the strong and brave Mira. 


"Too bad you failed in your attempt to lure my husband. Ikaw sana ang nandito ngayon" I sarcastically said. I am thinking that I am Courtney. I always admire her guts.

Give a Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon