Chapter 46

11.4K 408 97
                                    


MIRAJANE



Pakiramdam ko ay namamanhid na ako sa sobrang takot. I've never seen Terrence this mad. Inaasahan ko na na magagalit s'ya. Natural. Pero hindi ganito na papatay na s'ya ng tao dahil sa sobrang galit.


At hindi ko alam kung ano'ng naghihintay sakin kapag nakauwi na kami.


Kahit ang huminga ay gusto kong iwasan kung maaari, para hindi n'ya ako mapansin. Sa buong byahe, tahimik na nakatanaw lang s'ya sa labas ng bintana at walang kahit na anong kilos. Madiin ang pagkakakuyom ng kaliwang kamay n'ya at ang kanan naman ay sapo ang ulo n'ya habang nakatuko sa bintana. Ang mga kamay n'ya ay may mantsa pa ng dugo dahil sa walang tigil na panununtok n'ya kay Malcom. 


I've never expected this from Tee. He used to be short-tempered and he shouts a lot, but he's never violent. Kahit na matigas ang ulo ni Tricia minsan ay hindi n'ya napalo ang anak namin. Kahit na nagagalit s'ya sakin ay hindi n'ya ako kailanman napagbuhatan ng kamay. Ngayon palang yata. 


And I am bracing myself for that. Higit kaninuman, ako ang nakasakit kay Tee. Hindi ko ginusto 'to pero nagawa ko pa din. Handa ko nang tanggapin ang kahit na anong ibibigay n'ya. Handa ko nang harapin ang kapalit ng mga nagawa ko. Handa na ako kung sasaktan man n'ya, kung sasalitaan man n'ya ako ng masasakit na mga salita, o kung hihiwalayan n'ya na ako dahil nandidiri s'ya sakin. 


Sawang-sawa na akong tumanggap ng mga kaputanginahang itatapon sakin. Sawang-sawa na ako na tumanggap nalang nang tumanggap na walang reklamo. Tao lang din naman ako. Nagkakamali ako, marunong akong magalit, marunong akong masaktan, marunong akong matakot... at madami akong pagkakamali. Hindi ako santo. At sawang-sawa na ako. Nakakapagod na palagi nalang magtiis. 


I was tired of dealing with all the hardship of life. Terence happened to be my miracle in life, but if he's going to turn his back on me now, I can accept it. I can understand. Dahil hindi kami pareho. 


Kung s'ya ay kaya kong tanggapin matapos n'yang magkamali kay Seara, hindi ko inaasahan na gan'on din s'ya sakin. Dahil hindi kasing-hina ng pagkatao ko si Tee. He was born to be proud and dignified, while I was born with nothing.


Nang makarating kami sa bahay ay tahimik na sumunod lang ako sa kanya papasok. Sa kwarto agad s'ya dumeretso. Ni hindi n'ya pinansin si Tricia kahit pa tinawag s'ya nito. Sinubukan ko na ngumiti sa anak namin bago ako sumunod sa loob ng kwarto.


Tricia is worth everything. Hinding-hindi ko pagsisisihan ang mga nagawa ko dahil nandito ngayon ang anak ko at ngumingiti at masaya sa buhay. Hindi bale na na maging miserable ako at habulin ako ng mga bangungot ko habangbuhay. Ang importante ay nabigyan si Tricia nang pagkakataon dito sa mundo.


"Tee" naiiyak na tawag ko sa kanya. Nakatayo lang sa sa may binta at may hawak na baso ng alak.


"Mira, tell me that none of those were true" his voice shook as he said those words. Lumabas ang mga salita na 'yon sa bibig n'ya na tila ba hirap na hirap s'yang sabihin ang mga 'yon. "Magsinungaling ka nalang sakin. Sabihin mo na hindi totoo 'yon. Na nagsisinungaling s'ya. Na ikaw ang babae na nakilala ko at minahal ko. You're my innocent and pure Mira. You're not tainted by other man" nakikiusap na sabi n'ya. "I can pretend that none of these happened. I can pretend that I heard nothing. We can go on with our lives. None of these happened" he cried.

Give a Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon