Chapter 26

13.8K 381 70
                                    


MIRAJANE



Baby shark doo doo doo doo doo doo
Baby shark doo doo doo doo doo doo


Panay si baby shark ni Tricia lang ang maririnig sa buong byahe namin papuntang hacienda Vergara. Kanina nang lumapag ang eroplano sa paliparan ay may nakaabang na na sasakyan na maghahatid samin sa mansyon.


"Aren't you sleepy, my little princess?" natatawang tanong ni Terrence sa anak na nakakandong sa kanya. 


"No!" maligayang sagot ni Tricia. Tumutok nang muli ang mga mata n'ya sa iPad na hawak ko. 


Hindi ko alam kung kailan s'ya mananawa dito kay Baby Shark. Nakabisa na nga namin ni Terrence ang lyrics at ang dance steps. 


Kanina at sinundo ako ni Terrence sa eskwela at dala na n'ya ang mga gamit namin at si Tricia. Dumaan lang kami sa isang restaurant para maghapunan tapos ay dumeretso na kami sa MCG Airlines para sa flight namin pa-Masbate. 


Sinamantala ni Terrence na holiday sa Monday para makapunta kami sa Masbate. Sabi n'ya at may importante silang dapat asikasuhin ni Nathaniel Vergara na tungkol sa negosyo na pinaghahatian nila. Ang sabi n'ya pa at maikling bakasyon na din daw naming pamilya ito. 


Nang makarating kami sa engrandeng mansion at gabi na at nakatulog na si Tricia. 


"Welcome to Masbate" Malaki ang ngiti ng lalaking sumalubong samin. Kahawig s'ya ni Mrs. Natalia Vergara. S'ya na marahil si Nathaniel Vergara na nakatatandang kapatid nila Nexiel at Neil. 


"Pasensya na at ginabi na kami" sabi ni Terrence at mahigpit na nagkamay sila. Karga n'ya si Tricia sa kanang braso n'ya at ako naman ay dala ang lavender baby bag kung saan ang mga importanteng gamit ni Tricia at ang laptop bag ni Tee. 


"Ako nga ang dapat na humingi nga pasensya. Napabyahe pa kayo dito." nakangiting sabi ni Nathanile.


"Nate, this is Mira, my wife. And my daughter Tricia. Nakatulog na sa byahe" natatawang sabi ni Tee at gamit ang kaliwang kamay n'ya ay hinila ang bewang ko palapit sa kanya. "Baby, this is Nathaniel Vergara"


"Nice to meet you" nakangiting sabi ko at nag-abot ng kamay.


Nagkamay kaming dalawa at ngumiti s'ya sakin.


"The pleasure of meeting the lady who got Terrence's attention is all mine" nakangising sabi n'ya. "Please come in. Georgina and the kids are waiting at the living room" iminuwestra s'ya samin ang bukas na naglalakihang wooden double doors.


Namangha ako sa karangyaan ng receiving area nila. Malawak ang lugar na tila pwedeng pagganapan ng isang pagtitipon at sayawan, at nakakamangha ang masusing disensyo ng sahig, dingding, at ng kisame. Malaki at naghuhumiyaw ng karangyaan ang chandelier na nasa gitna ng kisame na napapaikutan ng mas maliliit pang chandeliers.  Sa gitna ng dulong bahagi ng tanggapan ay ang engrandeng hagdanang kahoy na may velvet red carpet at sa kalagitnaan ay nababahagi sa kanan at kaliwa. Mukhang detalyado ang pagkakadesenyo sa bawat baluster ng hagdan na kapareho ng mga barandilya sa ikalawang palapag ng sumusungaw dito sa ibaba. Sa dingding, sa gitna ng pinagbahaging hagdan ay ang malaking larawan ng buong pamilya Vergara. 

Give a Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon