Game 8- Failed Report Card

30.1K 315 38
                                    

         Masyado siyang mabilis, nang maghiwalay na ang mga labi namin ay dinampi niya ulit iyon sa pisngi ko ng dalawang beses, hinawakan ko na nga ang pisngi niya eh. Baka 'pag pinagpatuloy pa namin baka iba na ang mangyari, hinawakan niya rin ang pisngi ko, pero 'di tulad sakin pinisil niya pa. Eh nasaktan ako, pinisil ko din siya. Tapos umupo narin siya sa higaan niya para mas diinan pa ang pagpisil sakin, ako naman nasasaktan na dahil ang sakit pumisil ni Ryan kaya kiniliti ko nalang siya sa tenga. Ganun narin ang ginawa niya at maya maya tumigil narin kami sa kalokohan namin.

Napahiga narin ako sa higaan niya, malambot at masarap pagtulugan. Lumingon ako kay Ryan at ganun din pala siya sakin, tapos bigla nalang kami nagtawanan na para bang nakawala sa mental hospital. Nang tumigil narin ang kakatawa namin mga 5 minutes nanatiling tahimik, umupo ulit siya sa higaan niya at napaupo narin ako.

Para bang naalala na niya ulit ang nangyari tatlong araw nang nakalipas, hinawakan ko ang kamay niya para lumingon siya sakin, lumingon nga. Pisngi niya'y pulang pula dahil siguro sa sakit, tapos ang itsura niya'y para bang nasasaktan na nagagalit. Huminga na ako ng malalim bago magsalita.

"Ryan, sorry dahil hindi ako nakarating sa meeting place natin nung thursday, sorry talaga.." sumandal ako sa balikat niya at nag-aalala kung tatanggapin niya ba ang sorry ko.

Narinig ko lang siya na nagbuntong hininga. "Bakit.. natagalan ka? 'Wag mong sabihing may nahimatay nanaman na batang nanay na national book store."

"Wala, adik ka." sinuntok ko ng mahina ang braso niya. "Di ka ba naniwala sakin nung sinabi ko 'yun?"

"Naniwala, kaso kung magpapalusot ka lang dahil nakatulog ka lang sa classroom dapat iba nalang ang inexcuse mo." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, alam niya?!

"Hah? Pano.." tinignan ko siya ng may pagtataka. Pano niya nalaman?! Kela Angel ba?

"Naisip ko lang, para kasing mas ugali mo yun kesa ang tumulong sa isang batang nanay na nahimatay at dinala pa sa hospital para alamin lang ang sakit niya." kinurot kurot ko ang bewang niya dahil iniinsulto nanaman niya 'ko!

"Nakakainis ka! Akala mo 'di ko gagawin yun? Ang sama mo!" binato ko pa siya ng unan pero 'di ko namalayang natamaan pala ang ulo niya, napahawak siya sa ulo niya at hinihimas ito. Balit talaga ako! may sakit ang tao pinapatulan ko pa! "Sorry Ryan, sorry."

Pinahiga ko muna siya ng maayos, kailangan pa neto gumaling. Kumuha ako ng basang bimpo at pinunasan ang noo niya, ngayon ako narin ang nag-aalaga sakanya, masaya pala sa pakiramdam? Aba syempre, mahal mo ang inaalagaan mo eh. Nang aalis na sana ako para palitan ang tubig bigla niyang hinawakan ang pulso ko at lumingon ako sakanya.

"Christine, lutuan mo ko."

Flappy Bird Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon