Game 19- Birthday Present

22.3K 294 49
                                    

Umakyat kaming dalawa sa hagdanan nila habang hila niya parin ang kamay ko, masyado din siyang nagmamadali, anong okasyon Tristan? Bakit parang atat ka ng konti?

Nakarating na kami sa second floor nila, tumingala ako sa hagdan nila at napansin kong may 4th floor pa pala sila, ganun pala kalaki ang bahay niyo Tristan?

"Bilisan mo diyan." hinila niya pa ang kamay ko at pinuntahan namin ang pinto sa kwarto niya, dark blue ang paint dito. sa 2nd floor may apat na pinto akong nakikita. "Anong tinitignan mo diyan?"

"Ah, wala." lumingon na ko palabik sakanya, napansin naming magkahawak ang kamay naming dalawa kaya agad naming pinaghiwalay ito.

Binuksan niya ang pinto at ilaw doon. "Sige, pasok ka."

 Sinuri ko ang kwarto niya dito, blue rin ang painting sa pader, puro posters ng anime ang nandito. konting lang ang narerecognize ko dun eh.. si Detective Conan lang, yung iba hindi ko na alam. may laptop din siya sa sulok, may dalawang bintana, malaki ang aparador niya dito, parehas din sa kama niya na pang dalawahan. ang dami naman niyang unan.

Medyo kinakabahan talaga ako dito sa kwarto nila, e kasi naman pangalawang beses ko ng pumunta sa isang boy's room, ang pang-una ko talaga ay yung kay Ryan.

"Diyan ka lang muna, may kukunin lang ako." utos niya sakin nang dumiretso siya sa cabinet niya. ako nalang nakatayo lang na parang statwa dito sa tabi ng pintuan. nakakangawit din ang tumayo, naglakad lakad muna ako dito sa kwarto niya dahil may nakita akong mga litrato.

Tumingala ako para makita, nandito si Tristan in a bata version sa frame na nakahuli ng isda. bungi pa dito si Tristan, ang cute.

Sa pangalawang picture kasama ni Tristan si Timmy na nakaakbay sa isa't isa. Sa pangatlo naman ay may katabi si Tito Toni na isang babae, mama siguro siya nila Tristan.

Nang titignan ko ang panghuling picture bigla akong napanganga. naguguluhan kasi ako, dito sa picture nakikipagpisilan ng pisngi si Tristan sa isang lalaki na kamukhang kamukha ni.. Ryan. hinawakan ko pa talaga ang frame para tignan ng mabuti, kamukha talaga ni Ryan yung kapisilan ni Tristan, so magkakilala na pala sila dati?

"Anong tinitignan mo diyan?" nagulat ako sa lalaking nagsalita sa bandang likod ko, si Tristan pala. Nakasandal ang baba niya sa balikat ko.

"Um.. Tristan.."

Kinuha niya sakin bigla yung picture nayun sa kamay ko, sabay sinuri ang larawan.

"Ah, eto kami ni Yanyan nun, nag-aaway kami nung pinicturan kami ni tita."

Naguguluhan talaga ako sakanya, so ibig sabihin alam na niya dati pa? "Alam mo na ba.. na kapatid mo siya kay Tito?"

Tinaasan niya 'ko ng kilay at tumawa ng mapait. "Haha syempre naman,  dito nga yung time na pinakilala sakin ni papa na kapatid ko nun si Ryan eh. Namamasyal kami kasama yung mama niya, naiwan pa dito sa bahay si mama dahil sabi niya sakin magbonding muna kami magkapatid, pero bonding lang namin siguro ay yung parati kaming nagsisigawan."

Flappy Bird Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon