Game 24- Embrace

17.4K 269 78
                                    

Napahawak naman siya sa parteng sinampal ko, nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ko sakanya. Biglang nanginig ang kaliwang kamay ko kaya agad ko naman siyang hinawakan. Kinabahan ako bigla habang tinitignan ko siyang nakatingin din sa’kin ng pagtataka.

Shet naman, bakit ko ba ginawa yun? Bakit ba hindi ko na napigilan pa sarili ko?  Pero ang pinakanakapagtataka sa lahat ay yung.. hindi naman ako nagsisi sa ginawa ko, parang natuwa pa nga ako.

“Sorry! M-May langgam kasi sa pisngi mo!”

Agad na akong tumakbo papalayo sakanya, hindi ko na talaga alam kung ano yung ginawa ko. Minsan lang ako mag-dare at magsampal ng isang tao, akala ko napipigilan ko pa ang inis ko sa babaeng yun. pero hindi. sinira niya yung pinaghirapan ko eh, sana kasi hindi niya talaga sinasadya yun. pero base sa pilit niyang ekspresyion para magmukhang nag-sosorry siya, hindi ko kayang paniwalaan yun.

Tinapon ko nalang yung container sa unang basurahan na nakita ko tapos tinakpan ko ang mukha kong basang basa sa luha, punyeta lang talaga. ang sakit sakit. yung tyansa kong 25 percent biglang naglaho dahil lang sa nasira yung cookies ko. shit bakit ba napakadramatic ko? hindi ko na talaga alam sa sarili ko. pagpasensyahan na.

Tumungo ako sa c.r. at naghimalos ako ng mukha, para akong binubugbog ng 20 times dahil ang laki ng maga sa mata ko. Ano nang nangyari sa make up ko? Wala. nganga.

Pinunasan ko narin yung mga sipong nag-uunahang tumulo, napakakadiri ko talagang babae. Dati nung nagpapractice akong umiyak sa salamin para tignan kung maganda ba ako pag umiiyak maganda naman ang itsura ko, pero bakit ngayon para bang na-rape ako ng isang jejemon?

Huminga ako ng malalim bago bumalik sa classroom namin, naisip ko na siguro nga wala na talaga kaming pag-asa ni Ryan.

Minsan iisipin ko nalang, susuko na ba talaga ako ng ganun ganun nalang?

Pero may parte saakin na, I gave it my all doon sa cookie na yun, nag-expect ako. Siguro nga Valentine's was not my day.

Binuksan ko nalang ang pinto sa classroom, wala na kong pakelam kung late na ba ako. Pero buti nalang at hindi pa, nakita ko dun na wala sila Angel sa klase, pati rin si Tristan.

Bumalik nalang ako sa upuan ko para pigil pigilan yung mga luhang nagbabadyang tumulo nanaman kasi naalala ko nanaman yung nangyari kanina. leche talaga, 'pag nakita ko yung Meann nayun kakalbuhin ko yung impaktang yun. pero baka mamaya nagkakamali lang talaga ako? Pero hindi. kitang kita ko na muntikan na siyang napangisi bago mag-iba ang timpla ng mukha niya.

Not very long bumalik narin si Tristan sa classroom along with my friends, they were giggling like crazy habang papunta sa mga upuan nila. buti pa sila masaya, bakit ako hindi?

Hindi ko namalayang nasa harap ko pala si Tristan, his smile was tender. he looked straight through my eyes but then his faced turned frown nang makita niya ang narape kong mukha.

"Anong nangyari sayo, Christine?" he caressed my cheeks.

"Wala! Haha.. napuwing lang ang gaga." agad kong tinanggal ang kamay niya at pinagpupunas ang mga luhang pabagsak nanaman, pinagsasampal ko pa nga ang sarili ko para lang matauhan ako. "Wala 'to, don't mind me."

Flappy Bird Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon