Game 18- At His House

24.3K 303 54
                                    

Akala ko pagkatapos nung nangyari saamin last week ni Ryan ay pwede na ulit kami magkabalik, pero mali ako..

We held a race papunta sa printer, akala ko siya ang mauuna, but he suddenly slowed down.. lumingon ako sakanya just to see that fcking face. he looks like he was regretting that he talked to me, lumapit ako sakanya that time just to ask.

"Ryan.." nagbent ako ng konti para tignan siya, he was facing down. "Okay ka lang?"

"Okay lang.." he started walking again, but ignoring my presence this time.

"Ryan, bakit? Sabihin mo, please?"

"Wala nga, mauna ka na sa pagpapaprint." he throw away his hands to gestured that I should be going, and I did. ayoko namang isipin ni Ryan na clingy ako sakanya kahit hindi na kami..

But I was worried, kanina lang nagkukulitan pa kami, pero bakit ngayon para bang nag-aalinlangan siya? Bakit ba ang gulo gulo niya?

Sumisilip ako sakanya habang nauuna na 'ko sa paglalakad, nakita ko siyang tinignan ang cellphone niya at nahulo niya akong tumitingin sakanya kaya dumiretso nalang ako sa paglalakad.

Dalawa ang printer dito, pumunta siya sa kaliwa habang ako namanay nasa kanan. 15 pages kasi ang akin at colored pa yung iba kaya medyo natagalan, sakanya naman mabilis lang at hindi niya na 'ko hinintay pa. gosh ang sakit talaga, akala ko talaga pwede pa, naisip ko rin na baka may reason naman kaya niya ginawa yun pero.. ano? ano ang rason? wala akong maisip. bahala na, leche ka Ryan!

Nagkasalisi kami 2 days later after the elevator scene, lumingon ako sakanya habang siya hindi. kasama niya nun ang mga kabarkada niya habang sila Angel naman ang kasama ko, nahiya lang ako na kausapin si Ryan dahil baka isnaban lang niya ako at maisip pa nila Andrea na baka break na nga kami. Pero tinanong rin nila ako.

"Girl, anyare sainyo? bakit hindi kayo nagtitinginan gaya nung mga sparky eyes niyo tuwing nagkakasalubong kayo dati?" tanong sakin ni Andrea.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano girl? sparky eyes? ang baduy mo naman."

"Oo nga Andrea, 'di naman sparky eyes, parang guuguu eyes." sabi ni Therese.

"Guuguu eyes?"

"Oo, yung ano.. yung.. yung parang pang owl?"

"Hindi ganun! parang heart heart eyes!" sabi ni Chelsea.

"heart heart eyes? yuck. yung may puso sa mata gaya yung sa mga cartoons?"

"Aba, kahit hindi namin literal na makita, ganun talaga ang nakikita namin!"

"Ang weird niyo, basta ano.. yung hindi namin pagpapansinan ni Ryan parang.. dare!"

Lahat sila tinignan ako ng masama. "Dare?"

"Oo, nagdare kami na hindi muna magpapansinan hanggang katapusan ng school year."

Flappy Bird Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon