Game 13- Toni

25.5K 275 45
                                    

SEASON 2

.                        .                         .

"Okay fine!"

"CHRISTINA! Di ka ba sasama samin? Gumising ka na nga dyan!" naalimpungatan ako sa sinabi ni mama.

"Huh?" kinukusot kusot ko pa yung mata ko.

"Ateeeeee!! Gustong kong punta na tayo sa SM! Sige na ate bumangon ka na dyan!" sigaw ng sigaw tong si Nicole!

"Hindi tayo sa SM Niknik, sa MOA tayo." sabi ni mama.

"Ganun? Yehey! Bumangon ka na kasi dyan ate eh!"

"Oo na nga babangon na 'ko!" tinatanggal tangal ko muna yung mga muta sa mata ko, sumilip ako sa salamin namin.. so panaginip lang pala ang lahat?

Tinignan ko ang kalendaryo namin, January 2.

Hahahaha. umaasa nanaman ako, bakit ba nagsisinungaling pa 'ko sa sarili ko? 'di na siya babalik sayo Christine!

Dumiretso ako sa bodega namin at kinuha yung kalendaryo namin last year. finlip ko yung pages papunta sa month ng october. may nakacircle na red sa day ng 30. Yun yung day na naghiwalay kami.

It's already been 2 months since then, pagkabalik ko sa bahay gustong gusto kong umiyak, gustong gusto kong ibuhos sa kubeta lahat ng bulok kong kinain sa tyan. Pero wala? wala talaga. Yung pakiramdam ang lubog na yung mata ko, magang maga na dahil hindi masyado nakakatulog ng maayos, parating nagigising tuwing madaling araw. Pero nagtataka parin ako.. bakit ayaw tumulo ng mga luha ko?

Pinilit ko pa nga minsan eh, sabi ko sa sarili ko dahil ayaw talaga pumatak ng mga luha ko.

"Umiyak ka! u-mi-yak- ka! u.m.i.y.a.k  k.a! tumulo ka ngang bwisit ka!"

 Pero anu bayan! Bakit ba wala? Break up na kayo ni Ryan, Christine! Kailangan mong maging emotiosyonal! Dali! Iyak! Nanood pa nga ako ng mga nakakaiyak na stories gaya ng starting over again pero 'di parin ako naiyak(actually umiyak talaga, kampi ako sa side ni Liza eh!) kaso umiyak nga ako sa movies, 'di ko parin maiyak iyakan ang nangyari saamin, ang weird ko noh?

Naisip ko nga kung bakit, siguro may part parin talaga sakin na hindi ko mafeel na break up na kami. Parang may clinging side parin ang puso ko, umaasa na panaginip lang yun hanggang ngayon. pero alam kong kailangan ko nang mag-starting over again nadin. Kinakabahan kasi ako 'pag nasa school. 'di na nga ako umaalis sa classroom eh, tapos nakipagpalit pa 'ko sa kaklase ko para lang maupo ako sa sulok doon sa dulo ng classroom. Pero may mga pagkakataon din na kailangan naming umalis sa classroom, pero para mas maganda, talagang nagsastay lang ako sa klase.

Sila Therese nga eh, nagtataka sakin kung bakit hindi ko na daw pinag-uusapan si Ryan, akala lang nila LQ lang ulit kami, hindi kasi nila maimagine na magbebreak up kami. pero nangyari na nga. nahihiya tuloy akong sabihin sakanila na break na nga kami. Buti nalang hindi nila ako masyadong kinukulit.

Flappy Bird Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon