Game 23- Attempt

18.8K 230 13
                                    

Breaking News: Dumunog ang mga tao sa Sogo at lahat nakapagreserve! Kaya kayo diyang nagpaplanong pumunta sa Sogo ay ipagpatuloy niyo nalang yang ginagawa niyo sa bahay!

Tumunog nanaman ang alarm clock sa gilid ng mesa ko, tinignan ko ang mga numerong nakasaad doon: Alas sais ng umaga. Walang gana ang mga paa kong naglakad papunta sa kabilang lamesa bandang pintuan para silipin ang mga cupcakes na ginawa ko kahapon.

Which is pinagpyestahan namin ni Nicole kagabi dahil naunahan niya akong kainin yung cupcake habang naghuhugas ako ng pinggan, nainis kasi siya sakin dahil daw hindi ko siya pinipiggy ride. kaya hala siya, tumakbo papunta sa kwarto ko at pinagpapapak ang mga ginawa ko, pinagalitan ko pa nga at namroblema kagad kasi kulang na ang pagbibigyan ko. pero hindi pumigil ang gaga at pinagbabato pa ang mga kapkeyks sa sahig, buti nalang at wala pang limang segundo nang abutin ko at kainin nalang, pinagbabato nalang namin sa isa't isa yung natitirang cupcake hanggang sa dumumi na ang kwarto ko at pinagalitan pa kami ni mama, kaya eto. Maagang gumigising ang gaga para gumawa ng panibago.

Ayoko na ng cupcake kasi nalulula na ako dahil ginawa ko na yun kahapon, gusto ko kakaiba naman ngayon. Eh ano naman ang pwedeng gawin?

"Ma! Patulong naman oh, anong pwedeng pambawi sa cupcakes?" tanong ko kay mama habang busy siya sa pagwawalis sa sala. Si Manang naman ay naglilinis sa hardin.

"Aba, ewan ko sayo. Problema mo yan dahil naglaro pa kayo ng kapatid mo kahapon." hindi nakipag-eye contact si mama saakin.

"Ehhh! Idea please mama!" pagtatantrum ko na parang bata, narinig ko namang napabuntong hininga si mama.

"Sa susunod kasi wag ka nang-"

"Oo na alam ko na yun, ma. Sige na patulong na." medyo napataas ang boses ko, wala eh medyo naging desperada na dahil may pasok pa mamaya, binatukan nalang ako ni mama sa noo(which is hindi naman ganun kasakit) at tinulungan na nga ako sa problemang malupit ko.

--

On the way to school? Gusto ko nang bumalik sa bahay ko! Ano bang kabalbalan ang nakikita ko? Nakakaparanoid! Red here, red there, red ebriwer! Nakakasukang tignan, nahiya naman ang Heartstrings kong bag na color black, okay walang connect.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa paperbag na hawak ko sa kaliwa habang nakikipagsagupaan sa mga nag-aalok saaking tindero sa tabi tabi para bilhin ang mga binebenta nilang tsokolate at rosas, umiiling naman ako at tumatakbo papalayo. Nakakasakit lang sa damdamin yung nakikita na maraming mga magkasintahan na magkaholding hands papunta sa kani kanilang university, habang ikaw kaholding hands lang ay yung mga bag mo papunta sa sarili mong school.

Anshakit. parang pinamumukha lang sayo kung gaano ka panget maging single, this is totally not my day.

Nakarating narin ako sa eskwelahan ko habang ingat na ingat sa paghahawak ng freshly baked kong ginawa kanina sa bahay, napakahelpful talaga ni mama, naisip niya pa 'yun?

Kung ano ang nasa loob ng paperbag? sikreto lang namin yun ni mama. Pumasok na ako sa gate habang tsineck kung anong oras na ba ang nasa wall clock dito sa bandang gilid. mag-aalas otso na at kailangan ko ng dumiretso sa classroom, niyakap ko na ang paperbag ko sa dibdib ko para mapabilis ang paghabol ko, natalisod pa nga ako sa hagdanan pero keribels lang at nagmadali na para lang maka-catch up.

Nakarating na ako sa classroom, with grand entrance pa dahil agaw attention ang pagbukas ko ng pinto(napalakas kasi ang nagbubukas ko.)

"Uh, Good Morning?" tangi kong sambit para kumibo na ang iba, kumaway naman sila Angel sa bandang likod para senyasang nandoon sila.

"Happy Valentines, beh!" todo ang pag ngiti nila saakin na para bang nag beam toothpaste.

"Happy ba talaga?" bulong ko sa sarili ko, pinatong ko muna ang bag ko sa upuan ko bago makiupo sa mga pwesto nila.

Flappy Bird Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon