Game 9- Out Of The Comfort Zone

30.7K 293 49
                                    

       Notebooks, check. Books na mabibigat, check. Mechanical pencils, check. G-tech, check. Extra tissues, check. Emergency napkins, check. Lipgloss, check. Portfolios, check. Payong, check. Extra money, check. Flashlight, check. Nakatiklop na panty, check. Lingerie, check. Chinecheck ko lang naman ang mga gamit ko sa bag, kailangan daw dala-dala ko lahat eh sabi ni Ryan kanina. Buti nalang nadala ko yung lingerie ko, ahihi joke. Si mama lang ang merong ganun. Ayaw akong pasuotin kasi daw bata pa ko, sus pero nung kinalikot ko yung mga dati niyang pictures nakita kong nakasuot siya nun kasama pa ang mga kaibigan niya nung teenager pa siya, sus madamot lang talaga si mama.

"Mauna na kami Christine." sabi nila Chelsea at nagwave goodbye sakin, kinuha ko na yung bag ko para dumiretso sa library.

"Chris, uwi ka na?" nagulat nalang ako bigla dahil nandun pala si Tristan sa tabi ko! Langya mabilis din 'tong lalaking 'to!

"Ah, 'di pa eh. Ikaw?"

"Di pa rin, wala naman akong gala ngayon eh.." nagstop ang conversation ng mga tatlong minuto kaya akala ko wala na siya pero kinalabit niya ko. "Sa'n ka pa ba pupunta?"

Nagdalawang isip pa 'ko kung sabihin ko pa. "Sa.. library eh."

 "Library? Ah! Oo nga pala!" tinignan ko siya dahil pinagkakalikot niya ang bag niya, tapos maya maya may nilabas siyang libro sa kamay niya. "Ngayon na nga pala ang deadline neto! Thanks pinaalala mo sakin Chris." tapos pinat niya ang buhok ko.

Tinanggal ko ang kamay niya. "So, sasabay ka sakin?"

Ngumisi siya sakin. "No, correction. Sasabay KA saakin."

Kinuha ko sakanya yung libro na hawak niya at pinaghahampas ang braso niya, siya naman parang baliw dahil ang lakas tumawa. Ang dami namang baon ni Tristan araw araw? Andaming jokes, corni naman. Pero.. nakakatawa narin lalo na't 'pag sasabayan niya ng tawa niya.

Tinignan ko yung libro na hiniram niya na nasa kamay ko, aba akalain mo nga namang nagbabasa ng Hunger Games!

"Avid fan ka ba neto?" tanong ko sakanya, kasi ako. oo.

"Uh, medyo? Basta natatapangan ako kay Katniss." nag-thumbs up siya sakin. "Nagagandahan din ako dahil hindi siya typical sa mga stories na nababasa ko."

"Nabasa mo na lahat ng volumes? Yung hanggang 3 na Mocking Jay?"

"Oo, natapos ko last week pa." nginitian niya ko.

Flappy Bird Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon