Chapter 3 ~ Thank you ^_^

151 27 11
                                    

~ LUNCH

Mindblowing. Dumbfounding. Anong nangyayari sakin?

*flashback

Hinawakan nya yung kamay ko at hinila ko palabas ng room.

.

"Teka ano ba?!" ang lakas din naman ng loob nyang manghila. Mali yon. Magkakarecord ako nito sa ginagawa nya. Aakalain nila na ang honor student na si Curtis Yasmin Lopez ay nagka-cutting.

Nakakainis. . Di manlang sumagot.

Dumeretso kami dito sa washroom. Teka ?! anong gagawin namin dito? o.O

Pumasok kami sa ladies' washroom. Bakla ba to ? Tsk. Sayang sya. Buti nalang wala ng ibang estudyante since on-going ang classes.

.

"We're not gonna do anything, and I am not gay." woah, edi sya na mind reader. Pano nya nahulaan yon ?

.

"Bakit mo ba ko dinala dito?" Medyo naiinis na kasi ako. Late na kami eh. Tsk. Sana di masungit yung teacher.

.

Di ulit sya sumagot. Ano bang balak nito ? Tumingin sya sa pinto, atsaka nagsalita.

.

"Miss, may dugo." huh ? ano ? dugo ? sino ? alin ba? asan? sus, pwede naman syang magpunta sa clinic kung may sugat sya. Dinamay pa talaga ko.

.

Unti unti syang lumapit sa muka ko. Teka! mag hahalikan na ba kami ?! Di pwede yun ! Di ko sya gusto noh ! Tska wala pa kong first kiss! Di nya pwedeng nakawin yon ng basta basta!

.

Nagpapanic na ko kasi palapit na ng palapit yung muka nya.

Tinigil nya ang paglapit. Phew! Kala ko talaga ...

.

"Oh" tawag nya sabay bigay sakin nung puti. Teka ano ba to? San to galing ? May magic ba sya ?

.

Napatingin ako sa likod ko. Ah.... Ayun pala ang ginawa nya. Sa mini cabinet nya pala yon nakuha. Ano nga ba yon?

.

Tinignan ko kung ano yung hawak nya.

.

Napkin?! o.O So bakla nga talaga sya?! At sakin nya talaga balak magpaturo kung pano magayos ?!

.

"Psh. Get back here on Earth. Magpalit ka na nga!" Huh ? At sya pa talaga galit! Sya na nga ang dahilan kung bakit kami nalate eh ! Kainis ha!

.

"Don't you know your date?" naiinis na yata sya. Di ko sya gets ! Ahhhhhhrgh !

.

Pero teka, dugo ? napkin ? mapalit na daw ako, at... date ? AHHH ! nakakahiya ! Bakit sya pa nakakita nun?

.

"A-ah" di ko talaga alam kung pano ko magrereact. Ang awkward nitooo...

"Alis na ko" sabi nya at iniwan sa kamay ko yung napkin.

Pero...

"T-teka lang"

"What?!" galit na yata. Katakot ●~●

"A-ano kasi eh ... nahihiya akong lumabas. Pwede bang pakikuha nung uniform ko..." kinuha ko sa id ko yung susi "number 24"

He grins. Ayan, nakakahiya kasi yung sinabi ko eh ●~●

napabuntong hininga muna sya bago nya yun kunin Kala ko nga di nya gagawin eh. Mabait din pala sya kahit masungit.

Halos 15 minutes narin akong naghihintay dito. Kinakabahan na ko. At mukang sa next subject na kami makakapasok T.T

Baka hindi nya mahanap locker ko . huhuhu. Pano na ko .

Suuuper deads na meee. Oh kaya baka bumalik na sya sa room at sinadya nyang iwan ako dito. Maiiyak na ko. Dapat bang binigay ko sa kanya yung susi? Haaaay. nako naman Yasmin. Bakit ba ang tanga tanga mo. Panget ka na nga tanga ka pa :3

Paiyak na talaga nang marinig ko yung pinto. Andun na pala sya. Hawak nya yung uniform ko. Nasaibabaw nun yung susi. Kinuha ko na agad yon.

Ayokong makita nya yung mata ko. Pumasok na ko sa cubiclet at nagpalit. Naghugas na ko at lumabas. Wala na sya dito, mukang nauna na. Pero ayos nadin at least binalikan nya pa ko. Five minutes na lang pala bago ang next subject. Haaaay. Sayang naman yun.

Paglabas ko sa ladies' washroom nakita ko pa sya. So hinintay nya ko ? Hindi. Baka nagkataon lang.

"tara na" nalito pa ko sa sinabi nya sa una. Na-realize ko ako pala kausap nya

"Thank You nga pala ... at so-sorry sa kaninang umaga" finally! nasabi ko na rin sa wakas ... Ayan sana naman tanggapin nya na.

Hindi na nya ko hinintay at nauna na syang maglakad. Ako naman nakasunod lang sa likod nya

Pero huminto sya para magkasabay kami ng lakad. Bigla na lang hinawakan nya yung kamay ko at sabay kaming pumasok.

*end of flashback.

Una, tanggal na scholarship ko at di ko alam kung pano ko sasabihin kay mama at kung sasabihin ko nga ba. Secondly, ang alam ko sikat na ko sa school dahil nabangga ko yung 'Daddy/Fafa Kent' na yun. Lastly, ang pinaka nakakahiya. Bakit . Bakit? Ohmygod. Kailangan pang lalaki makakita sakin ng ganun. Worse, si Sungit pa ugggh.

● Vote ● Comment ● Be a fan of mine if you think I deserve it =)

Eiffel For You (EDITING/ABANDONED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon