Chapter 13 ~ Rakk na ituuu

127 22 1
                                    

Curt Yasmin's POV

Sunday Morning...

Ang una kong ginawa ay hanapin yung orasan. Quarter to 8. Okay pa. Naligo na agad ako at nagbihis.

"Oh Iha. Maaga pa ha."

"Pupuntahan ko lang po si Chris. Babalik din ako kaagad."

***

At Cruz's Residence

"Kilala mo siya? Weh? Di nga?!" kahit kailan talaga ang OA ng isang 'to. Kala mo nanalo sa lotto.

"Bakit? Kilala mo rin?"

"Hah? Ah, hindi."

"Eh bakit mo tinatanong?"

"Eh kasi parang narinig ko na dati yung pangalan niya."

"Syempre, common name naman ang 'Christian' kaya malamang andaming taong may pangalang ganyan."

"Hahaha... Oo nga."

"Ang totong pangalan niya ay Christian Cloud Vunder. Sikreto lang daw yung second name niya."

"Alam ko."

"Huh?"

"Wala. Hehehehe."

Kausap ko ang weirdest bestfriend in the world. Una pinaliwanag ko muna yung tungkol sa pustahan. Baka kasi sa iba niya pa malaman. Bilib din ako sa kanya kasi naman, ang bilis niya magmove on. Wala naman na daw siyang magagawa, pero okay lang din naman daw siya. Sabi pa niya: "Gusto mo upakan ko yan si Kent?"  At sunod naman ay yung party kila Yna 'kunno'. Siya na rin daw magsasabi kay Yna. At Pangatlo, syempre ano pa bang aasahan ko dito. Malamang kinulit ako at tinanong kung bakit daw ako nagsinungaling. Kinwento ko yung bar. Pati na rin yung apartment syempre. At sa hindi ko ma-gets na dahilan ay tanong siya ng tanong ngayon.

"Uh... Kayong... k-kayong dalawa lang ba nung Christian ang magkasama buong maghapon?" di ako sure pero parang nakakunot yung noo niya.

"Hindi. May kasama pa kaming isa. Bakit?"

"Ah, hehehehe. Wala naman." at ngayon naman ay nakangiti siya ng todo. Weird huh?

"Sige. Una na 'ko ha. Bye Chris." lumapit ako at hinalikan siya sa cheeks.

"Bye!" hanggang sa paglabas ko ng kwarto niya nakangiti pa rin siya. Nakakatuwa lang kasi masaya na ulit siya. Huhuhuhu. Ako naman hindi. ●~●

Pagkauwi ko tunog agad ng phone ang narinig ko. Kung tatanungin n'yo, iniba ko na yung ringtone para naman makamove on. Simpling beep nalang ang tunog.

From: Sheyn Sungit

           Can you go with me to the mall today? I'll be there after lunch.

~end of message

May kung ano 'kong naramdaman dun sa sinabi niya. Kagaya nung naramdaman ko nung pinagawa siya ni Christian ng dare. Nevermind.

Pero anong isasagot ko? Hmm... tutal wala din naman akong gagawin,

To: Sheyn Sungit

       Sige, kung okay lang. Saang mall?

Patrick Sheyn's POV

I opened the door. I wasn't expecting what I'm seeing now. Damn...

"Irish, get dressed." her eyes were dreamy, as if she doesn't see anything except for me.

"Pat, I did this for you. Don't you want me? I'm yours, right?" nagsimula siyang lumapit sakin. God, this is unbelievable!

"Irish, get dressed. We need to talk."

Eiffel For You (EDITING/ABANDONED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon