Chapter 11 ~ Freak and Gay ♥

126 26 4
                                    

Curt Yasmin's POV

      Nagising ako sa loob ng isang kwarto kung saan puro puti lahat. Pweh. Hindi ospital. Ngayon ko lang din 'to nakita. Nasaan na ba ko? Matagal na ba 'kong tulog? Anong araw na? Anong nangyari? At sino 'tong lalaking papalapit saakin ngayon? Bakit ang dami-dami kong tanong?

"Gising ka na pala. Halika sabayan mo ko. Kumain na tayo." nilibot ko muna ang paninin ko sa buong kwarto bago muling tumingin sa kanya. May isang malaking bintana malapit sa may pintuan na natatakpan ng blue na kurtina. At pagkatapos ay may divider. May isa pang kama sa kabilang banda. Puti rin halos lahat ng gamit.

"Mukang wala kang natatandaan sa mga nangyari. Kumain na muna tayo at saka ko sasabihin sayo." Muka siyang mabait pero, yung sinabi niyang nakalimutan ko... parang nakalimutan ko nga kung anong nangyari pero ngayon naaalala ko na kung sino siya.

Pinaghila niya ko ng upuan at pumwesto ako sa tabi niya. Nararamdaman kong safe naman siya kasama. Nagsimula na kaming kumain. Makapal na katahimikan ang bumalot. Unti-unti ko nang naaalala ang mga nangyari. Ang hindi ko na lang alam ay kung bakit at pano ako napunta dito - at bakit siya ang katabi ko ngayon.

At dahil hindi talaga ako mapakali, kahit hindi pa man kami natatapos ay nagtanong na 'ko. "Ano bang nangyari?" hindi pa rin siya nagsasalita at nagpatuloy lang sa pagkain. Minadali ko na ang pagkain at tinulungan siyang magligpit pagkatapos naming kumain.

"Nasa bar ka kahapon." akala ko pa naman marami siyang sasabihin. Hindi muna ako nagsalita ng saglit para malaman kung may sasabihin pa siya. At... naaalala ko nga. Alam ko na. Alam ko na kung anong mga pinag-gagagawa ko. Kahit ayokong isipin, gusto ko pa ring malaman. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala.

"May... alam ka ba don?" ayoko na gusto kong pagusapan.

Tango lang ang sagot niya. Mukang hinihintay niyang ako mismo uli ang magtanong.

"Hmm, so ano nga ba?" ang awkward lang kasi nakatitig lang siya at hindi kaagad sumasagot.

"May pustahan sila. Si Carl, Bruce, Jake at Kent. Kapag na--" tama ba ang narinig ko?

"Teka, JAKE?"

"Uhm, oo... Akala ko ba kilala mo siya?" Ngayon napapagdikit dikit ko na lahat ng impormasyon.

"So si Jake nga. Kaya... kaya pala pamilyar, uh. Pamilyar ang boses niya." Kaya pala ang pangit pakinggan ng pangalan niya. Masyadong kakaiba. Mali pala ang intindi ko. Hindi ko pa nakikita si Jake nung sila pa ni Chris. Boses niya lang ang naririnig ko palagi - madalas kapag nauusap sila ni Chris sa telepono, dati.

"Magkakilala na kayo dati?"

"Yung kaibigan ko... Uhm, silang dalawa. Dati."  Napansin kong medyo na-shock siya sa sinabi ko.

"Si Christina? Christina... Cruz?"

"Tama nga. Christina Jozielle. Kilala mo siya?" bakit ang dami niyang alam?

"Palagi siyang kinikwento ni Jake sa barkada. At saka--"

"Alam mo? Matagal mo nang alam?" napatayo ako nang 'di ko inaasahan "Kilala mo pala si Chris. Bakit hindi mo man lang siya binalaan? Alam mo palang ganyan ang ugali ng mahal na kaibigan mong si Jake!" mga manloloko sila! Bakit ba ko nagtitiwala sa mga taong hindi ko naman kilala? Ayoko na nito.

Nasa tapat na 'ko ng pintuan nang magsalita siya "Teka. Paguusapan natin 'to kung gusto mong maliwanagan."

"Makinig kang mabuti," lumapit siya saakin at tinitigan ako ng mabuti sa mata. "Hindi ko sila kaibigan. Napilitan lang akong sumali sa pustahan nila."

"Pustahan?"

"Competition 'yon para sa kanila. Kailangan nilang makipagrelasyon sa isang babae at magpanggap. Pagkatapos makikipag-break sila at kailangan umiyak yung babae." huminga siya ng malalim bago nagsalita uli. "Fifteen thousand sa mananalo. Hindi ko ginustong makisama sa mga katulad nila, maniwala ka."

Eiffel For You (EDITING/ABANDONED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon