Chapter 10 ~ Flashbacks

129 24 6
                                    

A/N, READ MO IF AYAW MONG MA OFFEND :(( Ayan, so I'm sorry kung may mga offensive words 'tong chappie na 'to. Isn't it that's how normal people express what they feel? /anger/ I'm hoping for every reader's consideration. I use those to make this thing reaslistic. Thank you ^_^ And, one more thing, if  you really really really don't want to get those, please just don't mind every single thing the charcters say if you think it kind of crosses the limit. But I guess they don't :))

Curt Yasmin's POV

Sa lugar na kinatatayuan ko ngayon, ni hindi ko alam kung posible pa bang makapagpatawad. Maraming nagiba sa tatlong linggong 'yon, kasama na ang pagkatao ko. Tatlong linggo? Tsk. Napakabilis.

~flashback

Nandito ako sa gazebo. Dito kasi namin napagkasunduang magkita para magkalinawan na. Gusto niyang makapagusap kami, na kaming dalawa lang.

Araw araw na pala akong nakakatanggap ng bulaklak galing sa kanya. Iba't ibang klase. Mabuti na rin na hindi siya nagtatanong kung anong nangyari dun sa una. Hmm, safe.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong niya

"Nako, hindi naman."

Tahimik lang kami ng ilang minuto hanggang sa magsalita siya.

"Ah, Yasmin?" seryoso nanaman siya. Hindi ako sumagot. Tinignan ko lang siya.

"Kailan... kailan mo ba ko sasagutin?" hindi ko agad nakuha kung anong ibig niyang sabihin. Pero naalala ko kaagad. Hindi ko alam... hindi ko alam na ganito ang magiging flow ng usapan namin.

"Ayaw mo na ba saakin?" tanong niya pa. Naguguluhan ako ngayon.

"Ano bang... ano bang sinasabi mo, Kent? Akala ko ba, nasabi ko na sayo lahat. Diba sabi ko kailangan natin ng oras? Oras para mas makilala pa ang isa't isa?"

"Oo alam ko. Sorry. Nevermind and forget about it." sabi niya at nilihis yung ulo niya sa ibang direksyon.

Sa hindi ko rin malamang dahilan, nainis ako sa sinabi niyang yon. Feeling ko parang... hindi ba parang minadali ang lahat? Masyadong... mabilis. At para saakin, nakakainis kung titignan mong masyadong minamadali ang lahat.

"Alam mo, hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko. Feeling ko masyadong magulo at malabo ang lahat. Hindi kita maintindihan kahit gusto ko. Akala ko kasi talaga nagkaintindihan tayo nung sinabi kong kailangan natin ng oras para sa isa't isa. Mali pala." pagkatapos ng mahabang litanyang 'yon ay umalis ako at nagtuloy tuloy maglakad. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Bakit ganon? Parang mali yata ang lahat? Parang masyadong... mabilis. Hindi ko rin naiintindihan ang sarili ko ngayon. Hindi naman namilit, o nanigaw si Kent kanina pero, parang kusang lumabas lahat sa bibig ko. Kilala ko si Kent. Gwapo, mayaman, sikat. Hindi na niya ba kayang maghintay? Tingin ko kulang na dahilan yon para kwestyunin niya 'ko kanina. Feeling niya ba masyado na siyang bumababa sa paningin ng iba, ng dahil sa panliligaw niya saakin? Hindi eh. May mali. May isang malaking mali na hindi ko malaman kung ano. Halos dalawang linggo na siyang nanliligaw. Anong problema? Masyado na ba siyang natatagalan? Nainis talaga kasi ako nang tanungin niya ko kung kailan. Ibig ko bang sabihin, kailangan niya ba talaga ipahalatang naiinip na siya?

Ayoko nito. Hindi ako ganito. Ayoko ng nagaawaw kami, o kahit nagkakainisan man lang. Konting labuan, naiinis na ako. Paranoid ba? Ayoko lang naman kasing masira kami. Teka, meron nga bang kami?

Napayuko na lang ako. Kung ngayon pa lang na hindi pa 'kami' ay magulo na, gaano kalaki ang posibilidad na, maging maayos ang lahat?

~end of flashback

Eiffel For You (EDITING/ABANDONED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon