Chapter 12 ~ Unexpected Closeness

126 23 2
                                    

Curt Yasmin's POV

   Matibay ako kaya hindi na 'ko iiyak. Malakas ako kaya kaya 'kong magmove on. Matindi ako kaya kayang-kaya kong maging masaya. At higit sa lahat, tao lang ako.

   Speaking of matibay. Hinatid na 'ko ni Christian papunta dito. Ngayon ko nalaman na magbestfriends pala sila. Pero ayaw nilang sabihin kung pano napasama si Christian sa grupo ng ugok.

Nasa harapan na 'ko ng gate namin. Uhm, yung kanina ba? Nahuli niya kami-- Uhm, parang awa niyo na po wag na nating pagusapan. Todo pangaasar ang natanggap ko kay Christian nung umalis si Sheyn. Hindi ko matiis kaya nagpauwi ako. Hahahaha.  At ang sabi ni Christian, kung ano man daw ang sabihin ni Yaya cecille, eh sakyan ko na lang.

"Oh! Iha kamusta ang party kila Yna?" binuksan niya ang pinto.

"Okay naman ho." ah so ayun pala. Malamang nga naman. Hindi naman niya pwedeng itext si Yaya at sabihing nagbar ako at nakatulog sa apartment ng isang lalaki -_'-

"Buti na lang pala napahiram ka niya ng pajamas. Ano? Magkwento ka naman. Saan ka niya pinatulog? Kayong dalawa lang ba? Malaki ba ang bahay nila? Aba iyung batang 'yon talaga. Sabihin mo nga bumisita naman siya dito paminsan-minsan."

"Ahaha. Oho sige. Magkakatabi nga pala kaming tatlo. Kasama rin po si Chris." oh edi ako na sinungaling. Dapat masabihan 'ko sila kaagad. Aba't mahirap palang magsinungaling.

"Ganon? Sabi nga pala ni Sir at Ma'am Clare sa isang bukas pa raw sila makakauwi, sobrang natagalan sila don ano? Dapat nga apat na araw lang eh naging tatlong linggo pa. At na-delay pa lalo."

"Yaya, magpapahinga po muna 'ko sa taas. Medyo mag-gagabi na rin po eh." sinabayan ko pa ng pilit na ngiti para naman maging convincing.

"O sige iha. Bumaba ka na lang kapag nagugutom ka. May pagkain sa kusina." tumango ako at umakyat na sa kwarto.

Pagkapasok na pagkapasok ko, nagdive agad ako sa kama. Hindi ko napansing mabilis ang takbo ng oras. Masyado akong naaliw kila Christian. Ang dami naming ginawa. Pagkatapos niya kaming makita, sumali siya at nagsulatan pa kami sa muka hanggang sa magsawa. Nag food trip kami pati nag movie marathon. Nagpinoy henyo, at marami pang iba. At sa huli, nagsuggest akong magtruth or dare. Nung una ayaw pa nila dahil pang babae lang daw 'yon. Hoho. Pero dahil mapilit ako syempre naglaro pa rin kami. At... at... may... nangyari. Well sige na nga.

~flashback

"Yas, ikaw muna ang mag spin."

dingdingding...... Pheew! buti nalang hindi ako yung tinuro ng bote. Kay Sheyn nakatapat yung pinaglalagyan ng takip at kay Christian yung dulo. Ibigsabihin si Christian ang magpapa-truth or dare kay Sheyn.

"Ano pare? Katotohanan o uuttusan kita?"

"Ang corny mo. Psh. Dare."

"Bakit naman? Ayaw mo ng katotohanan?"

"Stop it. Hindi bagay sayo magpacute."

"Grabe ka naman pre! Pero sige... Dare ha." ang tagal naman niya magisip -_- At nilagay niya pa talaga yung daliri niya sa noo niya. Feeling genius?

"HAHAHAHAHAHAHA!" pusa! nakakagulat naman 'to. Tatahimik tapos tatawa bigla. Hahaha, pati yata si Sheyn nagulat. "Oh my gosh guys, I am cupid."

"Ano bang ipapagawa mo para matapos na?" naiirita na si Sungit.

"Sige na nga. Hahaha, oh eto na. Give her... uhm..." ako? ako ba yung her?

"Give her what?" nakakunot na yung noo niya at tumingin siya saakin ng saglit.

"Give her a five-minute hug."

"What?"

"Ayaw mo? Edi sige. Smack na lang. Sa lips."

Eiffel For You (EDITING/ABANDONED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon