Chapter 16 ~ The Queen Bee

102 21 0
                                    

Curt Yasmin's POV

The next day. Naloka ko kahapon kay Sheyn. Buti na lang si Chris na ang gumamot dahil hindi ko nga pala siya pwedeng iuwi dahil makikita siya nila yaya.

Time check, quarter to seven. Tama lang ang gising ko.

*beep* huh? sino naman magtetext sakin ng ganito ka-aga? Kakadating lang nila mommy kagabi kasama ng mga parents ni Chris galing Korea. So, hindi sila 'to.

Hindi ko pa nakukuha yung phone, nag-beep na ulit. Yung maraming beep. May tumatawag.

*Sheyn sungit calling...

Woah! anong kailangan niya? [Answer] [Decline] Testingin ko kaya yung decline? Wag na baka i-murder niya pa ko sa school.

"Hello?" buti na lang sa phone lang to. Amoy bulkang mayon pa bibig ko.

"I like your bedroom voice."

"Waaah! Anong bedroom voice!" umagang umaga napapasigaw na ko.

"Paos ka pa. I bet you just woke up?"

"Malamang. Ba't ka ba tumawag?"

"Hmm, hindi ba pwedeng mangamusta?"

"Adik. Sabihin mo na nga kung anong sasabihin mo."

"Fine. You need to go here."

"At bakit ko gagawin 'yon?"

"Because you're my slave." aray ko. Taob.

"Eh? Bakit ba kasi?"

"Stubborn. Basta. I need you here. Immediately. Bye."

"Uy wait!--" *toot* *toot*

Aba matinde. Bastusan lang? :3 Haaaaaay. Ano nanamang idadahilan ko nito? Bahala na!

Binasa ko yung isang text bago magprepare.

From: Sheyn sungit

Need you here. Asap. In my house hindi sa apartment.

Pareho nga pala sila ng bahay ni Chris.

Nagshower lang ako at nagbihis na ng usual attire: Plain shirt at jeans. Kasama ng sneakers na gamit na gamit na. Eh ayokong bumili eh. :3

"Oh, san ka pupunta parang maaga pa yata. Diba nine o'clock pa pasok mo ngayon?" tanong ni Mommy habang nagpeprepare ng breakfast. Gusto niya kasi siya gumawa lahat kapag nandito siya kahit may mga gagawa naman.

"Ah, ma kila Chris na lang po ako kakain. Salamat." sabay takbo palabas

"Ito talagang batang---" di ko na narinig yung iba niya sinabi.

Nakalabas na ko ng Forks. Magcocommute na lang siguro 'ko papunta sa kanila. Malamang wala naman akong kotse diba. Ayoko nang sumabay kay daddy mageexplain pa ko.

"Yasmin?"

"Pano mo nalaman kung san ako nakatira? Sinusundan mo ba 'ko?"

"Uh, no. Sorry gusto ko lang naman makausap ka."

"Pano mo nalaman?"

"Mag usap muna tayo."

"Naguusap na tayo. Pano mo nalaman?"

"Tinanong ko si Yna. Pwede na ba tayong mag usap?" Tsk. Si Yna talaga.

"Wag mo nang lalapitan mga kaibigan ko." paalis na 'ko nang humarang siya.

"Wait. Kung ayaw mong mag usap baka pwedeng sabay na lang tayo."

"May pupuntahan pa 'ko."

"Ah, pwede naman kitang samahan."

Eiffel For You (EDITING/ABANDONED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon