Finally
K I D A L L E N T O N
"A BUSINESS IS A SYSTEM OF SYSTEMS. Parang sistema ng isang tao. Kapag may isang organ ang hindi nag-function ng maayos, hindi makakapag-perform ng maayos ang isang human beinv. Sa business naman, kapag may parte ng isang negosyo na hindi maayos na magfa-function, maaring magkaroon ng problema ang buong business.. "
Habang kumakain si Kid sa fast food chain na iyon ay puro pangaral lang ng Dad niya ang narinig mula rito. Ngunit na kahit na ganoon ang tagpo ag wala naman siyang pakialam sa mga sinasabi ng Dad niya at tanging sa masarap na chicken joy lang siya naka-focus.
"Ang sarap nito," ani Kid habang ngumunguya. Hawak-hawak naman sa magkabilang kamay niya ang dalawang thighs ng chicken joy.
"Ang guess what son, ang chicken joy na kinakain mo at ang chicken joy puwede mong mabili sa mga kanto-kanto eh pareho lang na fried chicken. Minsan nga, mas masarap pa 'yong mga nasa kanto lang. Ang pinagkaiba ng dalawa eh itong fast food chain na ito ay may organized na sistema sa pagpapalakad ng business habang ang mga nasa kanto ay mas nagfo-focus lang sa pagpapasarap ng fried chicken nila at minsan ay nakakalimutan na ang pagpapalago ng ng negosyo nila. Another difference is, ang owner ng fast food chain na ito ay hindi ang mismong nagpi-prito ng kinakaing chicken joy mo."
Natigilan bigla si Kid sa pagkain matapos magsalita ng napakahaba ang Dad niya.
"Any problem?" tanong sa kanya ng Dad niya.
Masama ang tingin ni Kid nang sinagot niya ang tanong nito. "Puwede bang kumain ka na lang Dad?"
Puno ang bibig ni Kid. Nakita niyang napayuko sa kahihiyan ang Dad niya dahil sa ginawang pagsalita habang puno ang bibig.
"Can you you not shout? At puwede ba son? Apply ka naman ng kaonting manners. Nasa public place tayo," giit ng Dad niya.
Malungkot na nginuya ni Kid ang mga nakaimbak na pagkain sa bibig niya. May stain pa ng gravy sa gilid ng labi niya.
"Bakit ba puro business na lang ang bukang bibig mo dad? Ang sinabi mo sa'kin bago tayo pumunta rito 'Do you wanna eat with me son' at hindi naman 'Do you wanna have a seminar with me son?'. Pumayag ako Dad kasi pinanghawakan ko 'yong sinabi mo na kakain lang tayo rito at hindi magse-seminar!"
Tumaas ang boses ni Kid. Napatingin sa kanila ang mga tao sa kabilang table dahil sa pagtaas ng boses niya.
Kid don't really like talking about business, lalo na kapag Dad niya ang nagsasalita patungkol dito. For him, business is a complex and endless series of thing, walang ending at paulit-ulit ang cycle. Mas gusto niya pa rin ang mag-analisa ng iniisip at galaw ng isang tao. Ang kung aanalisahin ni Kid ang Dad niya, his Dad is just like it's c0ndom business.... kumplikado.
"Okay..." buong pasensyang ani Dad niya. "Relax!" dagdag ng Dad niya at matiwasay na silang kumain.
Kid Allenton has a very low tolerance towards his Dad. Kung gaano kaikli ang pasenya ng Dad niya sa kanya ay ganoon din kaikli ang pasensya niya sa Dad niya.
Habang kumakain ng spaghetti, tinignan ni Kid ang Dad niya. His Dad is already 37 years old at 17 naman siya. 20 years ang pagitan ng edad nila. Kahit lagpas na sa kalendaryo ang edad at malapit na ring tumuntong sa 40's ang Dad niya ay wala siyang nakitang bakas ng pagtanda rito. Wayback when he was still 7, ganoon pa rin ang itsura ng Dad niya ngayong 17 na siya. Mas lumaki at naging beefy nga lang ang katawan nito.
He's not complementing his Dad, ang totoo nga niyan ay naiinis siya kung bakit ganito pa rin ka-wholesome ang Dad niya. Ang unang dahilan kung bakit naiinis siya ay ang madalas na pagsabi ng mga kaibigan ng Dad niyang miyembro ng Professional Boys Club na parang magkapatid lang daw sila. At ang pangalawa ay ang pagiging habulin ng mga babae ng Dad niya.
BINABASA MO ANG
BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!
ChickLitSomeoneone's lost could be someone's gain. Someone's shaking battle could be someone's game. This is the journey of Lukrecia Kamulag sa kung paano siyang bakuran ng mga mala-demi God na lalaki pagkatapos siyang lokohin ng pinakamamahal niyang si Dud...