G*gu
The siren of the ambulance is heard everywhere on the shore. The night's still cold, the wave's still bold. At sa may dalampasigan nga ay naroroon si Mr. Lee, si Thalia, si Kid na pare-parehong natatarantang pinapanuod ang pagpasok ng rescue team kay Lukrecia sa loob ng isang ambulansya.
"Jusko! Dahan-dahan lang po...." Thalia squealed. Nakatayo siya sa gilid ni Mr. Lee. Takot na takot siya sa nakita niyang kalagayan ni Lukrecia.
"Ano ba kasing nangyari?!" sigaw ni Mr. Lee. Bakas ang matinding galit sa boses niya.
"Don't dare to ask me that one Dad! Baka ikaw nga ang dahilan kung bakit siya tumalon e!" sagot ni Kid. Nakaigting ang mga pangang kasing pulido ng panga ng Dad niya.
Okay nakakalito kaya rewind muna tayo...
"Mommy Shark! Mommy Shark!" Niyuyugog ni Kid si Lukrecia matapos niya itong sagipin mula sa pagkalunod. Actually, hindi talaga alam ni Kid kung paanong lumangoy pero noong nakita niya ang Mommy Shark niya na biglaang tumalon ay automatic niya ng nasagip ito. Adrenaline rush. Paki-search na lang sa google.
Kid's very wet this time. Bakas na bakas sa puting sleeves niya ang fresh at napaka-young na mga baby muscles niya. At sa assets na mayroon siya, we can really conclude that he's really the 17 year's old version of Mr. Lee. See? Kung hindi man magka-tuluyan si Mr. Lee at Lukrecia sa kuwento, hindi pa rin siya lugi. Iyon nga lang, kung si Kid nga ang makakatuluyan niya, ready kaya siya sa mga mapanghusgang tao na paniguradong pupuntiryahin ang age gap nila?
Itong ibang mga tao kasi, minsan gagu kasi 'yang mga 'yan e. Gagu. Tipong kapag nakakakita sila ng bago at hindi pangkaraniwan, binabato nila iyon ng walang habas. Nangbabato sila hindi dahil sa galit sila kundi gusto lang talaga nilang may makitang masaktan na tao. They like it when they're hurting someone. Nagugustuhan nila iyong oras na may umiiyak sa mga pinagsasabi nila. Reason? Simply because they are lonely kaya ang nangyayari, gusto nila na kagaya nila ay malungkot din ang ibang tao. Ayaw nila makakita ng masayang mga tao. Nanggigigil sila roon.
"Anong gagawin ko? Mommy shark!"
Obviously, hindi alam ni Kid ang gagawin. In a heartbeat, Kid regretted the day when there was a seminar in their school patungkol sa rescuing at everywing lang siya ng everwing noong time na iyon. He regretted it so much.
Nakaluhod si Kid sa gilid ng nakahiga, namumutla, at basang-basa na si Lukrecia. Mula ulo hanghang paa ay natataranta niya itong tinignan.
The rain is also pouring so hard na naging dahilan upang mas lalong naranta si Kid.
Mabilis na hinubad ni Kid ang sleeves niya. His baby pinkish muscles immediately popped open.. At dahil paragraph ito para sagipin si Lukrecia ay hindi muna natin ide-describe in an HD way ang katawan ni Kid. Tsaka na lang siguro.
Kinumpol ni Kid ang sleeves niya at inilagay iyon sa likod ng ulo ni Lukrecia. Without further a do, he then slurped Lukrecia's mouth. Bukod sa tubig alat ay nalasahan ni Kid ang menudong naging hapunan ni Lukrecia. He fully tasted the carrots and the garlics na naging sahog sa menudo na iyon.
This is Kid's first kiss with a girl. Third kiss niya naman ito kung isasali iyong paglips-to-lips nina Jambo at Nathan sa kanya noong minsang nag-power trip sila.
It was surreal. Hindi maintindihan ni Kid pero dahil sa halik na iyon ay biglang bumagal ang mundo niya. Naging paatras din ang ang pagbugso ng ulan.
"Mommy Shark! Wake up!"
Saglit lang ng umubo si Lukrecia pero hindi pa rin ito nagigising. Hindi pa rin nito naibubulawak ang iba pang tubig na nainum.
"DAAAD!" Sumigaw si Kid. Kita niya ang resto na nasa malayo at hiniling niya na sana ay narinig iyon ng Dad niya.
BINABASA MO ANG
BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!
ChickLitSomeoneone's lost could be someone's gain. Someone's shaking battle could be someone's game. This is the journey of Lukrecia Kamulag sa kung paano siyang bakuran ng mga mala-demi God na lalaki pagkatapos siyang lokohin ng pinakamamahal niyang si Dud...