Let's Meet Tomorrow
L U K R E C I A
Kasabay ng paglakas ng katok sa pintuan ay lumakas din ang pagtibok ng puso ni Lukrecia. Thalia's standing beside her, weirdly and worriedly looking at her, hinihintay nito kung kailan bubuksan ni Lukrecia ang pinto.
"May problema ba?" Thalia asked her. Hindi makasagot si Lukrecia. She's afraid na baka si Mr. Lee ang nasa likod ng pintong nasa harap nila. Nagpapawis si Lukrecia. Panandalian niyang kinalkal ang magulong isipan para maghanap ng isasagot sa tanong ni Thalia.
"Kase---" Magpapaliwanag pa sana si Lukrecia kaso hindi niya naituloy nang biglang magsalita ang taong kumatok sa pintuan.
"Ma'am! Delivery po galing sa Shopee!"
Nakatitig pa rin si Lukrecia kay Thalia. Kanina lang ay kabadong-kabado siya pero bungad nang marinig ang boses ng delivery boy ay kumalma na siya.
"Ma'am?" patuloy na kumatok ang delivery boy. Maya-maya pa ay pinutol na ni Lukrecia ang mga titig niya kay Thalia at mabilis ng binuksan ang pinto.
"Ma'am, five-hundred pesos po ang---"
Hindi na natapos ng Delivery Boy ang pagsasalita nito nang parang natatarantang kinuha na ni Lukrecia ang package at mabilis na nagbayad dito.
"Aken na, itu bayad ko. Ales ka na!"
Natulala ang Delivery Boy. Isinarang muli ni Lukrecia ang pinto. Sumandal siya sa pader habang hawak-hawak ang package na may lamang high heels. Kumakabog ang kanyang puso ng malakas.
"Lukrecia, may problema ba? Ba't parang takot na takot ka?" tanong ni Thalia sa kanya.
Hindi na nagpaligoy-ligoy si Lukrecia. Kahit kinakabahan ay tinanong niya si Thalia nang diretsahan.
"Taleya? Sabehin mu sa ake, kelala mu ba si Mr. Piter Lee?" diretsong tanong ni Lukrecia.
Nakaramdam siya ng matinding pangamba nang panandalian itong natahimik at nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Lukrecia, alis na ako..."
Akmang pipihitin na sana ni Thalia ang door knob nang magsalitang muli si Lukrecia.
"Taleya. Girlfriend ako ni Mr. Lee. Gostu kong malaman kung ekaw ba ang asawa niya."
Maya-maya pa, nangilid sa mga mata ni Lukrecia ang mga luhang papalabas na. She's waiting for Thalia's answer. Hirap na hirap na siya.
Nakita ni Lukrecia na nagulat din si Thalia sa sinabi niya. Umawang ang bibig nito na tila ba may narinig itong kakaiba.
In Thalia's silence, Lukrecia found the answer on her question. Ang babaeng nasa harap niya ay ang asawa ni Mr. Lee.
* * *
"NOONG kinasal kami, alam kong si Peter na talaga. Masaya ako noong kinasal kami kahit pa mas nauna iyong pagdadalang tao ko kay Kid. Masaya ako kasi lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki ay naka'y Peter na. He has all the riches, the looks, the idealistic characteristics and attitudes na puwede mong hanapin sa isang lalaki yet noong nasa kalagitnaan na kami ng proseso ng pagbuo sa pamilyang pinapangarap naming dalawa, naramdaman kong may nawala sa pagkatao ko. Hinanap ko sa sarili ko kung ano ang bagay na iyon na nawala sa'kin at nalaman kong simula noong nagsama kami ni Peter, tinalikuran ko na rin pala ang pangarap kong maging modelo. It was my dream since I was a child na maging model and Peter met me the time that my dream was just starting. Umalis ako ng bahay. Iniwan ko si Peter at ang anak ko. Hindi ako nagpaalam kasi sa mga panahong 'yon, palagi kaming nag-aaway ni Peter. Alam kong hindi niya ako papayagang ituloy 'yong pangarap ko kaya napagdesisyunan kong umalis ng walang sabi. Binalikan ko ang agent ko. Nagpunta kami sa China. We do photoshoots there, a lot of photoshoots actually. Kaso, mabilis akong tinapik ng karma. Habang tinatamasa ko ang resulta ng mga photoshoots na 'yon, gamit ang isang magandang sasakyan ay may nabundol akong bata sa isa sa mga daan sa Taiwan. Nakulong ako. Iniwan ako ng agent ko. At 'yon, naubos lahat ng pera ko para sa panggamot ng batang nabundol ko. I was banned there. Naging illegal immigrant ako. Ginusto kong umuwi pero wala akong pera. Wala ring tumutulong sa'kin. Dahil sa kagustuhan kong makauwi, kumapit ako patalim. Binenta ko ang katawan ko sa mga Chinese na lalaki na uhaw na uhaw sa babae. Nakauwi ako ng Pilipinas ng wala ng mukhang maiharap sa mag-ama ko. Gusto kong pumasok sa bahay namin pero hiyang-hiya ako. I can still remember those countless times na sinubukan kong pumasok sa bahay namin pero nakokonsenya ako. Kaya kahit masakit, napagdesisyunan kong tuluyan na lang magpakalayo-layo. Bumalik ako sa Davao kung saan naroon ang Tita ko. She let me stay there in her house. Naging mabuti siya sa'kin kaya noong nagkasakit siya, ako ang nag-alaga sa kanya. Pati pagpapa-ospital niya y ako ang sumagot. Nalubog ako sa utang at habang naghahanapbuhay ako, hindi ko namalayan na ang mga araw ay naging taon na pala. Aminado akong nagkamali ako kaya nandito ako ngayon para itama ang lahat. Kaya kahit nakakahiya, gusto ko sanang humingi ng tulong sa'yo Lukrecia. Kung puwede lang naman sana."
BINABASA MO ANG
BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!
ChickLitSomeoneone's lost could be someone's gain. Someone's shaking battle could be someone's game. This is the journey of Lukrecia Kamulag sa kung paano siyang bakuran ng mga mala-demi God na lalaki pagkatapos siyang lokohin ng pinakamamahal niyang si Dud...