Dumbfounded
MR. LEE
THE police siren is echoing on the whole town at this very late night. The city lights are no longer burning yet Mr. Lee's staffs are still busy contacting different people across the city mahanap ng si Kid. Hours had already passed pero wala pa ring progress kung saan na ngayon ang anak niya."Peter, baka nagmuni-muni lang iyong bata. Hindi mo ba napagalitan? Baka nagtampo sa'yo?" Nanny Lambing worriedly told Mr. Lee. Nasa foyer sila ngayon ng Feel Free company.
Palakad-lakad si Mr. Lee, he's digging down on his memory kung napagalitan niya ba si Kid sa araw na ito.
"Hindi ko siya napagalitan manang pero..." Mabilis na kinuha ni Mr. Lee ang phone niya. He scanned the messages there at nang makita ang inbox for Kid ay agad niya iyong binuksan. There, he found the answer.
:May ipapapakilala ako sa'yo.
:Sino?
:Bagong mommy mo.
Nag-igting bigla ang pulidong panga ni Mr. Lee. Galit siya sa sarili niya. He was very insensitive when he texted that thing on Kid. Hindi man lang niya naisip na baka masaktan ito dahil sa text niyang iyon.
Why am I so gibberish? I feel so stupid! Mr. Lee shouted inside his head.
Dahil sa galit na naramdaman niya sa kaniyang sarili ay sinuntok niya ang glass door ng foyer. Nabasag iyon at duguan naman ang kamao niya.
Nagkagulo bigla ang mga empleyado ni Mr. Lee.
L U K R E C I A
"Umalis ka na sabi. Sarado na kami. Sa kabila ka na lang..." On the sidelines of a certain crossing where there is actually a pharmacy, we can see Lukrecia Kamulag begging on a security guard to open the drug store infont of her."Malayu pa 'yung isa pang pharmacy ser, etu lang naman ang bebelhin ku oh," Lukrecia handed a paper where some meds are listed. Halos lumuhod na siya sa harapan ng sekyu pero hindi pa rin sita nito pinagbigyan.
"Miss, sarado na nga. Sa kabila ka lang nga kasi."
Hopeless Lukrecia worriedly turned around. Sa puntong ito ay inisip niya na ano na lang kaya kung sipain niya na lang iyong harang ng pharmacy at kumuha na lang siya ng gamot doon?
Pero alam din naman niyang hindi iyon tatalab. Maaring masira nga niya iyong harang pero sa kulungan din naman ang hantungan niya. Bibili sana siya ng mga gamot para kay Kid pero parang malabo na yata talaga. Bukod sa nagsara na ang pinakamalapit na pharmacy ay binaha rin ang daan patungo sa iba pang drug stores.
Kahit hanggang bewang ang baha ay napilitan si Lukrecia na bumalik sa pinanggalingan. Ramdam niya sa loob ng kanyang mga panty ang mga daga, mga ipis at kung anu-ano pang mga insekto ang naglalanguyan sa baha.
Pagkarating niya sa bahay ay mabilis niyang nilapitan si Kid na tulog na tulog pa rin sa sofa. Nakahinga siya ng malalim nang sa wakas ay bumaba na ang lagnat nito.
"Akala ku hendi ka na gagaleng," ani Lukrecia habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Kid. Suddenly, bigla niyang naalala ang sarili niya kay Kid years ago. Iyon ay iyong ang mismong oras na kakarating niya pa lang sa Maynila at wala ni isang tao ang tumulong sa kanya. That time, hindi alam ni Lukrecia kung saan siya papunta. Gutom na gutom na rin siya noon at kapag may nakikita siyang basurahan ay hindi siya nagdadalawang isip na kalkalin iyon para makapaghanap ng pagkain. Mabuti na lang talaga at pagkalipas ng ilang araw ay may isang babaeng tumulong sa kanya. It was actually Angelie Chavez, ang asawa ni Sunny Chavez na ina naman ni Heaven Chavez na binantayan niya for a long period of time. Kaya noong nakita niya si Kid, hindi agad nagdalawang isip si Lukrecia na tulungan ito. She had been on that situation at alam niya ang pakiramdam ng walang tumutulong.
The candle on the center table was already starting to stub at bago pa man tuluyang malusaw ang buong kandila ay nakatulog na si Lukrecia kakabantay kay Kid.
K I D A L L E N T O N
Kid was having a dream. Nasa tabi niya raw ang mama niya at binabantayan siya nito. On the contrary, Kid woke up with a familiar woman next to him. Kinabahan siya ng makita niya ang tulog pang babaeng iyon. The head of woman was actually placed next to his abs. Akala niya na namamalikmata siya pero nang tinitigan niya ng maayos ang babaeng iyon ay narealize niyang iyon pala si Mystery Girl. Ang babaeng matagal na niyang hinahanap.
Kid suddenly feel incomplete, parang may kulang sa kanya. Maya-maya pa ay hinawakan niya ang chest niya.
"Where's my shirt?" gulantang na tanong niya at mas lalo pa siyang nagulantang nang pati sa parte iyon ng pagkatao niya ay wala na ring saplot.
"AHHH!" sigaw ni Kid at kamuntikan naman siyang mapatalon nang magising na si Mystery Girl sa gilid niya.
"Oh? Gesing ka na pala." Nginitian siya nito. Kumabog ang puso ni Kid. Gandang-ganda siya kay Mystery Girl.
Kumunot ang noo ni Kid sa sinabi nito. It took him six minutes para i-analyze kung ano ang sinabi nito. Ganunpaman, he was really happy to see her. He felt dumbfounded. Namangha siya na sa ilang araw niyang paghihintay na makita si Mystery Girl ay sa wakas ay pinagtagpo na rin sila ng tadhana.
L U K R E C I A
"Oh, gesing ka na pala?" Nginitian ni Lukrecia si Kid. Natuwa siya bigla nang tinitigan siya ng matagal ni Kid. Kakausapin niya pa sana ito kaso hindi niya nagawa ng biglang mag-ring ang phone niya.
Sa screen ng phone ni Lukrecia ay makikita nating tumatawag si Mr. Lee.
DEMUNYO CALLING....
Parehong napatingin si Kid at Lukrecia sa cellphone na nasa gilid sahig.
"Saglet lang ha?" ani Lukrecia kay Kid. Tumango si Kid. Pinulot ni Lukrecia ang phone at noong tumayo siya ay sinagot niya ang tawag ni Mr. Lee.
"Yes Lukrecia. Hindi matutuloy ang presscon ngayong araw kasi nawawala pa si Kid." Mr. Lee's voice was low and sounds like depressed.
"Nawawala ang anak mu!?" Napasigaw si Lukrecia dahil sa impormasyong narinig mula kay Mr. Lee. Nakatayo siya sa may bintana. At dahil sa sinigaw niyang iyon ay mabilis na lumipad ang kabadong tingin ni Kid sa kanya na ngayon ay nakaupo pa rin sa sofa.
* * *
(Note: Short update, I kwow. Hehe. But promise that next time I'll type longer chapters. May ginagawa kasi ako right now. I'm editing something. So 'yun! I'm looking forward on your comments, I really love to read them. Pasensiya na po sa typos. Sobrang liit kasi ng screen ko. Thank you for understanding. Xoxo, Kuys J. Good night!)
BINABASA MO ANG
BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!
ChickLitSomeoneone's lost could be someone's gain. Someone's shaking battle could be someone's game. This is the journey of Lukrecia Kamulag sa kung paano siyang bakuran ng mga mala-demi God na lalaki pagkatapos siyang lokohin ng pinakamamahal niyang si Dud...