P R O L O G U E

8.2K 177 33
                                    

Walang masamang magmahal. Lahat naman seguro tayo nagmamahal detu sa mundong ibabaw hendi ba? Kahet posa nga nagmamahal tao ka kaya. Posa? 'Yong nag-meow-meow ba!

Ako, mahal ko si Dudong eke-e (A.K.A) Dyoswa Corpus (Joshua Corpuz).

Nagkakilala kami noong nagtrabahu ako sa isang passfood.

Si Dudong, diswazer siya noon. Habang ako, nasa countir at nagbibilang ng mga kuwins (coins).

Crush ko na talaga si Dudong simula pa noong nag-applicant kami. Sabay kami noon nagpasa ng resume sa HR. Nahulog 'yong foldir ko noon sa sahig tapos penulot niya.

"Sa'yo ba 'to?" sabi niya sa akin sabay begay sa akin ng foldir ko.

Nailabas ko 'yong dela ko ng wala sa uras dahil sa kelig. Guwapo kasi talaga si Dudong. Mapungay ang mga mata niya. Matangus ang ilong tapos palaging nakangete. 'Yong ngete niya para akong kenekelete.

Ayun nga, noong nagsemula na kaming magtrabahu, sinabi sa akin ni Dudong na nagugustuhan niya raw ako...

"Lukrecia, sa lahat ng babaeng kilala ko, ikaw 'yong pinakakaiba," aniya, sabay hawi sa bangs ko. Nakagat ko 'yong dela ko noong sinabi niya 'yon sa akin.

"Bakit? Mokha ba akong demunyo Dodong?" sabi ko sa kanya tapos tumawa-tawa ako. "Mga demunyo! Demunyo!" sabi ko roon sa mga kalapati na para bang si Mommy Dyonisya ang dating. Nasa park kasi kami nun. Nag-det kami. Kumain kami eskwid bols.

"Lukrecia, huwag mong sabihin na demunyo ka," buong pag-aalalang sabi ni Dudong na ginaya pa talaga ang accent ko na 'DEMUNYO'. "Mga demunyo! Demunyo!" sabi ko ulit dun sa mga kalapati, kinikilig din kasi ako sa sinabi ni Dudong eh.

"Lukrecia, kakaiba ka sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Kapag nagtra-trabaho ka, nagsusuot ka ng heels pang-simba. 'Yong palda mo, pang-first holy communion palagi, lagpas hanggang tuhod. 'Yong blouse mo, pang-semena santa, tapos 'yung mukha mo..." hinawakan ni Dudong ang mukha ko at parang naduling ako.

"Mukhang demunyo?" pagdugtong ko. Hindi kasi masabi ni Dudong 'yong describe niya sa mukha ko kaya ako na lang ang nagpatuloy.

"Hindi ganun," ani Dudong. "Uhm, pa'no ko ba sasabihin." Tumingin siya langit, parang naghahanap ng demunyo.

"Para kang uwak," aniya nang makakita siya ng uwak na siyang ikinakilig ko. "Mga demunyo! Demunyo!" sabi ko sa mga kalapati nang kiligin ulit ako. "Eh bakit naman Dudong? Bakit uwak? Dahil mukha ba akong demunyo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ganun, palagi ka kasing lumilipad sa isipan ko," sabi niya tapos bigla akong napatayo sa kinauupuan naming bench.

"Oh?" takang tanong niya nang tumayo ako sa harapan niya.

Tumawa ako, "I love you Dudong!" sabi ko sabay split sa harapan niya. "Mga demunyo! Demunyo!" sabi ko sa mga kalapating tinutuka 'yong daanan. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong paki, basta't ang alam ko! Mahal ko si Dudong.

Tinawanan lang ako ni Dudong at simula nga noon ay naging kami na. At noong naging kami na, ako palagi ang nagsusuntinto sa mga pangangailangan ni Dudong.

"Lukrecia, 500 pambili ng breif!"

"Oh, eto dong!"

"Lukrecia, 1000, pambili ng snickers."

"Oh, eto dong!"

"Lurecia, pambili ng t-shirt, 1,500!"

"Oh eto, dong!"

"Lukrecia, 2000, pambili ng bagong perfume."

"Dong..."

"Hmm..."

"Kiss muna dong."

"Sige."

Tapos ilalapat niya 'yong kamay niya sa lips niya tapos ipapahalik niya iyong kamay niya sa akin. Demunyo talaga. Pero kahit ganun, labs ko pa rin si Dudong.

Noong patagal kami ng patagal ni Dudong, napansin kong palaki rin ng palaki rin iyong halagang henihengi niya. Tipong halos hendi na ako makabili ng sarili kong panty maibigay ko lang 'yong sweldo ko sa kanya.

Piro wala eh. Mahal ko si Dudong eh.

Gusto ko siyang tanungin kong pira lang ba ang habul sa akin ni Dudong at hindi soso, esti puso ko. Pero ayaw ko siyang tanungin baka ma-offins (offend) siya. Mahal ko si Dudong at hendi ko siya kayang masaktan. Oki lang ako ang masaktan huwag lang siya.

"Hi Ma'am, I'm glad na makilala ko ang nanay ni Joshua!" sabi sa aking ng teacher ni Dudong noong graduation niya sa welding course niya.

"Mga demunyo," sabi ko sa isipan ko nang mapagkamalan akong nanay ni Dudong.

"Ahh, Ma'am Marasigan. Hindi ko po siya nanay ko..." tomatawang sabi ni Dudong.

"Ay! Sorry! So siya ba ang tiyahin mo?" sabi nung teacher.

"Demunyo, demunyo," sabi sa sarili ko, pinapatungkulan 'yong sapatus ko para roon na lang ibaling ang galit ko.

"Hindi po Ma'am!" sabi ni Dudong.

"Ahh, so lola mo?"

"Demunyooo!" itinass ko 'yung mga kamay ko ala Mommy Dyonisya tapos tumirik 'yung mga mata ko dahil sa sobrang galit na naramdaman ko. Kumibot-kibot 'yung bibig ko at kung anu-ano na lang ang pinagsasabi.

Na-ospital ako nun dahil somama talaga ng lobosan ang pakiramdam ko. Tapos ako rin ang nagbayad ng hospetal bell ko.

Mabuti na dahil may XXS ako. SSSSS pala.

Este, SSS.

SSS at Felhilt na nagbigay sa akin ng pira pambayad sa hospital.

Nakita kong gumradwit si Dudong gamit ang pira ko. Piro ako, nanatili ako sa kinatatayoan ko. Marami kaming planu ni Dudong. Pati kasal pinagplanuhan na rin namin.

Bumili na nga ako ng welding ring eh.

Isang araw, noong binisita ko si Dudong sa hinulugan kong bahay sa PAG-EBEG, naketa ko siyang may kasamang babai sa mismung kuwartu namin.

Mas bata kaysa sa akin.

Mas maganda.

Mokhang anghil at hindi mokhang demunyo katulad ko.

Nakita ko sila habang ginagawa 'yon ng babai. Umaalog-alog pa nga 'yong kama eh.

Nakita ako ni Dudong nun. Humingi siya ng patawad sa akin pero hindi ko kaya. Iniwan ko si Dudong doon na omiiyak ang nagsesese sa ginawa niya.

Iyak ako ng iyak.

Pero kahit ganun, pakeramdam ko, mahal ko pa rin siya. Kahit na subrang sakit ng ginawa niya.

Gusto ko nga siyang balekan eh! Omiyak kasi si Dudong eh!

Seguro, ganun nga talaga kung mahal mu ang isang tao. Kahit anu pa ang gawin niya, eh pelet mu pa ring ineentindi.

Pero masaydung malaking kasalanan ang genawa ni Dudong.

Masyadong malaki.

Noong gabing 'yun, pakeramdam ku, nawasak ang mondu ko kaya napagdesiyunan kong pomunta sa elog pasig para magpakamatay na lang doon.

Noong tatalon na sana ako, nagulat ako kasi beglang may homila sa biwang ko.

At pagmulat ng mga mata ko, nakita ko na lang ang esang guwapong lalaki na mokhang mayaman at mabango.

"Are you okay Miss?"

"Demunyo ka..." mahenang sabi ko sa lalaking nagsagip sa akin na demunyo sa subrang guwapo! Mala demi-god!

* * *

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon