Swerti
A bright sunshine wakes up Lukrecia Kamulag. Tumama sa pisngi niya na may nanlalapot na laway ang sinag ng bukang liway-way. Mabilis siyang tumayo't hindi na hinintay na mag-alarm ang alarm clock niya. Lukrecia has been like this simula noong nag-umpisa siyang manilbihan bilang kasambahay. General rule palagi at challenge na rin sa sarili na dapat ay magising na siya bago pa sa mag-alarm ang alarm clock niya.
Nagpunta na siya sa kusina at nang makapagsalang na siya ng takore ay doon na tumunog ang alam clock niya sa kuwarto. It's 6:15 AM in the morning. Kulang siya ng tulog kagabi pero ayos lang naman. Babawi na lang siya mamayang gabi.
Matapos ang ilang minuto, kumulo na ang tubig sa loob ng takore. Kumuha si Lukrecia ng mug, isang kutsara, naka-supot na asukal at instant coffee na nabuksan na. Pinaghalo-halo niya ang asukal, kape at ang mainit na tubig at presto! May instant coffee waker na siya!
"Pwe!" Naibuga ni Lukrecia ang kape nang malasahan ang kakaibang lasa ng tubig na hinalo rito.
"Uu nga pala. Nagpakulo pala kami ni Demunyo ng tawa-tawa kagabi," mahinahong sabi ni Lukrecia sabay lipad ng tingin sa takure. Naalala niya bigla si Demunyo kagabi noong nandito sila sa mimsong pwesto na ito't hinintay na kumulo ang tawa-tawa.
"Hehehe," kinagat ni Lukrecia ang kutsara nang maala iyonng nangyari kagabi. Lalo na iyong biglang nagbangga ni Mr. Lee ng bulge ng zipper nito ang puwetan niya.
Nakatulog na siya kagabi habang hinihintay ang reply ni Mr. Lee. Hindi niya pa nache-check ang phone niya kaya hindi niya alam kung nag-reply na ba ito.
Matapos magdilig ng mga herbal plants sa likuran ng bahay, maligo at kumain ng almusal ay chi-neck na ni Lukrecia ang phone niya. At aba'y may reply na nga si Mr. Lee pero:
MR. LEE: This is Kid. Bakit ka text ng text sa Dad ko? Sino ka?
3:16 AM."Ha?" Iyon lang ang nasabi ni Lukrecia matapos mabasa iyong text message. Nang ma-realize ang kabuuan ng text message ay naitakip niya bigla ang kamay niya sa bibig. Binasa niya ulit nang dahan-dahan ang reply at medyo kinabahan siya nang mapagtanto na ang nag-reply sa kanya kaninang madaling araw ay ang anak ni Mr. Lee.
Magre-reply pa sana si Lukrecia sa text pero hindi niya na nagawa nang biglang sumulpot ang text ng Mama niya.
MAMA: Anuhk cq0uh. Pf4daL4 kcah nmun n6 piRah oh.
Biglang nalungkot si Lukrecia. Na-guilty siya bigla. Nakalimutan niya ata na padalhan ang Mama niya.
Nakakahiya man pero di-nial niya na ang phone number ni Mr. Lee. She needs to check out kung nilagay na ba nito ang half ng payment sa bank account niya. She baldly needs the money right now.
She kept calling Mr. Lee pero si Marian Rivera lang palagi ang sumasagot.
* * *
K I D A L L E N T O N"Nanny? Saan si Dad?" tanong ni Kid. Nakahiga pa rin sa patient bed. Kakagising niya lang.
"Naku, maagang umalis. May aasikasuhin yata. Aalis din kasi siya mamayang gabi," ani Nanny Lambing na nagbabalat ng apple sa tapat ng table na nasa gilid kama ni Kid.
"Saan siya pupunta?"
"Hindi ko alam hijo. Kung gusto mong malaman, tawagan mo na lang siya. Okay?"
Bukod sa pagod na katawan ay wala ng ibang iniinda si Kid. Pakiramdam niya ay nabugbog ang katawan niya kagabi dala na rin siguro nang makailang beses na pagtatae at pagsusuka. Hindi niya rin alam kung anong pumasok sa isipan niya kung bakit niya kinain 'yung mushroom ng hilaw.
Napatingin si Kid sa pink tumblr na nasa gilid niya. Nasa loob ng tumblr na iyon ang liquid na ininum niya kagabi na nagpagaling sa kanya. Sa surface ng tumblr, may nakasulat na mga salita.
BINABASA MO ANG
BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!
ChickLitSomeoneone's lost could be someone's gain. Someone's shaking battle could be someone's game. This is the journey of Lukrecia Kamulag sa kung paano siyang bakuran ng mga mala-demi God na lalaki pagkatapos siyang lokohin ng pinakamamahal niyang si Dud...