Third Wheel

801 42 5
                                    

From: Bruh (Mika)

KIMMYYY BRUHHH daanan ka namin ni victonara bili tayo sans rival sa mcdo!!

Ano ba 'tong mag-jowa na 'to? 'Di kaya mag-isa? Alam kong single ako pero marami rin naman akong inaatupag! Katulad ng... tulog! Atsaka... actually, tulog lang talaga. Paano ba naman kasi, 11 PM na ng gabi nag-t'text, malapit na akong pumikit.

Pero since alam ko naman kasing two weeks pa lang 'tong magjowang 'to at may pagka-awkward pa, at syempre napakabait kong kaibigan, 'di na lang ako umangal.

Nag-reply na lang ako ng "Ok" sa text ni Mika at nagpalit ng pang-alis na shorts tas kumuha ng cap. Maya-maya, dumating na ang mag-jowa.

---

From: Bruh (Victonara)

Bruh, samahan mo naman ako sa surprise ko para kay Mika!!

Ano na naman ba 'to??? Gusto ko lang naman manood ng Stranger Things!

To: Bruh (Victonara)

Luh, pati sa surprise kailangan ng kasama?

From: Bruh (Victonara)

Oo! First anniversary namin ni mika bukas, dapat special! Pero di ko kaya gawin mag-isa :(

To: Bruh (Victonara)

Che!

From: Bruh (Victonara)

sige na bruhhh :-(( LIBRE KITA KAHIT ANO pero less than 500

To: Bruh (Victonara)

AYUNNN yan ang gusto ko sa'yo e! I'm on my way.

It turns out sa isang tree house pala surprise ni Victonara. Mag-m'movie date daw sila. So ngayon, nagpapatulong siya i-set up 'yung projector atsaka 'yung napakaling white cloth na i-h'hang sa isang side para dun i-p'project 'yung movie.

Nakatayo sa isang stool si Ara para i-hang 'yung white cloth tapos tin'try kong ayusin 'yung projector para hindi tabingi. Naka-look down ako sa laptop at inayos 'yung settings. Hanggang sa...

"AY PUTANGINA!"

Napatingin ako at ayun, nasa sahig na si Ara. Hinihimas niya pwet niya, nahulog ata ng very hard.

Tumawa muna ako ng mga 5 minutes bago ko tinanong, "Uy, okay ka lang?"

Tinulungan ko siya tumayo at napaupo siya sa stool. "Thanks sa pagtawa muna bago ako tulungan. Tunay na kaibigan ka talaga," she sarcastically remarked.

"Syempre naman."

Napailing na lang siya.

2 hours later, okay na. Naka-set up na rin 'yung fairy lights. Tapos may mga kumot at pillows sa may sahig. May snacks din sa isang counter. Dinamihan nga ni Ara 'yung snacks e, which is a smart move considering na si Mika date niya... HAHA charot.

"O, alis na 'ko ha, happy anniversary!" I waved and turned my back.

"Uy, sandali."

"Ano?" Nakita ko na nakatulala lang si Ara sa mga decorations namin.

Mukha siyang nag-alanlangin. Napatingin siya sa baba. "Okay na kaya 'to?"

"Huh?"

She looked at me. "As in, mapapasaya ko kaya si Mika? Sa ganto?" Napa-buntong hininga siya.

I walked towards her. "Huy, ano ka ba? I'm sure kahit anong gawin mo ma-a'appreciate 'yun ni Mika! Mahal na mahal ka kaya nun!"

Ara smiled. "Kainis, kinikilig ako."

Pakwan ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon