Infinite

1.5K 61 5
                                    


(A/N : Part two of Limits for those who asked for it. Enjoy!)

---

She told me to find myself... and I did. 

I gave every effort to find myself and I know it's for my own sake, but I mostly did it for her.

I did it because she told me she'd come back once I do so. Halos mabaliw na ako trying to be who I was when she fell for me, trying to replay the moment when she fell for who I used to be. Alam kong bumalik na ako sa dati, alam ko yun sa sarili ko. Hindi ko na tinatarayan yung mga taong nandyan para sa akin, hindi na ako selfish sa kahit anong paraan, at higit sa lahat, masaya na ulit ako. I think that's enough evidence for me to conclude that I'm finally me, once again.

I reached out for Mika once I knew I found myself, but, it was too late.

She was already happily dating someone else. 

I cried myself to sleep the night I found out, and I still do, knowing that she told me she'd come back... but now she couldn't, and most importantly she wouldn't.

Mika and I still see each other, syempre teammates kami for Grand Prix kaya nagkikita talaga kami. But we never talked about... us. Nag-uusap kami pero casual lang, none of us dare to open up the topic. Sa ngayon, I guess we're just friends.   

Nagbihis na ako para sa training namin. May training kami today at sa totoo lang, every time na may training kami na-e'excite  talaga ako, kasi alam kong makikita ko na naman si Mika. Kahit hanggang dito na lang yun, masaya pa rin ako kasi kasama ko pa rin siya.

Naghanda na ako para sa training namin and went to Taft. It's just a short drive from my condo anyway.  

Pagdating ko, nagsimula na kami agad since ako na lang pala yung hinihintay.

Nagwarm-up muna kami then naglabanan kami. Teammates against teammates.

Nagstart na yung game. Ka-team ko si Mika syempre, and I don't know why pero ang sama ng atmosphere niya today. Kanina pa siya nakasimangot at kanina pa siya 'di nagsasalita. Di naman ganto 'tong babaeng 'to. 

'Di ko na maiwasang isipin kung ano problema niya. Baka 'di nakatulog o kaya masama ang gising. Damulag pa naman 'yun. O baka naman --

"BRUH!" 

Naalimpungatan ako sa pagsigaw ni Kimy kasabay ng pagbagsak ng bola sa harapan ko. Shet, Kimy gave me a set pero di ko na-spike. Nawala ako sa sarili ko sa kakaisip kay Mika.  

"Ara! Ano yun?!" Hingal na hingal at galit na galit na tanong ni Mika.

"S-sorry, s-sorry-y," Kabado kong sagot.

"Rally pa naman yun! Ara! Sayang!" Mika frustratingly yelled.

"Ye!" Ate Cha scolded her. "Tama na."

"Tsk!" Ye exclaimed. Wala na akong sinabi, bad mood naman yata talaga siya.

Nagpatuloy yung game at nanalo naman kami, and I was indeed happy, but I can't say the same for Mika. Hindi man lang siya ngumiti. Nakaupo siya ngayon sa bleachers, mag-isa, umiinom ng Gatorade niya at nakasimangot pa rin. I'm getting really curious with what her problem is. Pero, friends naman kami diba? Siguro pwede ko naman tanungin yun, as her friend.

I walked towards her and sat beside her. Hindi man lang niya ako nilingon.

"Hi," I greeted.

Hindi siya sumagot at uminom ulit ng Gatorade niya. Napalunok ako.

Pakwan ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon