CHAPTER 2

243 14 2
                                    

Nang biglang....

"Sino ka?" tanong nang isang batang babae. Napapitlag siya ng makita ang batang babae na nasa gilid na ng puno, ni hindi man lang niya naramdaman na nasa gilid na niya ito.

"A-are y-you a g-ghost???" kinakabahan niyang tanong, nakaputing bistida ang batang babae na may bangs na hanggang mata, mahabang buhok na hanggang dibdib, medyo singkit na mata at may matangos na ilong, manipis lang ang labi na parang napakasarap tignan kapag ngumingiti.

"Oo, at nandito ako para kunin kita, dadalin kita sa mundo namin." sagot ng batang babae.

Walang anong tumayo siya mula sa ugat ng puno  at kumaripas ng takbo. Hinabol din siya ng batang babae na walang humpay ang pagtawa. Mabagal lang siya tumakbo kaya naabutan siya ng batang babae, hinawakan siya nito sa asul na t-shirt na suot niya. 

Nagpupumiglas siya, at di sinasadyang maitulak niya ang batang babae napaupo siya sa lupa.

"ARAY!" sigaw ng batang babae, nakatingin ito sa palad niyang may galos. 

"May sugat ka. Nagkasugat pala ang mga multo?" Nagtatakang tanong niya.

"Baliw ka ba? Niloloko lang kita! Walang multo!" sigaw ng batang babae.

"Eh bakit sabi mo saken multo ka?"

"Niloloko lang kita"

"Masakit ba?"

"Natural! Ikaw kaya!"

"Sorry, sana kasi hindi mo nalang ako niloko, nasaktan ka pa tuloy." inagaw niya ang kamay ng batang babae saka niya kinuha ang panyo niya sa bulsa, binalot niya sa panyo ang parte ng palad niya na may galos.

"Aleina."

"Huh?"

"Ako si Aleina, ikaw?" Pakilala nang batang babae.

"K-Klyne."

"Bakit ka nandito? Wala bang nagsabi sayo na bawal maglaro ang bata dito sa gubat?" tanong ni Aleina.

"Sinabihan kami ng daddy namin, kaya lang kasi si Klyde pinilit ako.."

"Sino si Klyde?"

"Kambal ko."

"May kambal ka?"

"Meron..."

"Asan siya?"

"Hindi ko alam. Gusto ko na umuwi, baka hinahanap na ko ng daddy ko."

Tumayo si Aleina sa pagkakupo. 

"Tara." yaya ni Aleina.

"Saan?"

"Labas na tayo dito."

"Alam mo?" gulat na tanong ni Klyne.

"Madalas ako dito, ito ang sanctuary ko, bawat sulok ng gubat na to, kabisado ko." buong magmamayabang na sabi niya.

Tumayo si Klyne sa pagkakaupo sa ugat, at sinundan ang batang babae sa paglalakad, sa tantya niya ay kasing-edad lang niya ito, pero bakit kaya siya nandito?

"A-Aleina?"

"Hmm?"

"Bakit nandito ka sa gubat?"

KLYDE and KLYNE: Kwentong Kambal (Search For LOST LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon