I DEDICATED THIS CHAPTER TO ... PATRICIA :))))
AYAN SA WAKAS FINAN DIN AKO XDDD HAHAHA.
Please spare some time and listen to the song at the right side of the page. That song was composed by my boyfriend, you will surely gonna like it guys! You can also check some of his song at youtube just type Ian Rondilla.
The song also match on this chapter so I suggest, listen to the song while reading this chap :)
Hindi matapos ang pagpapaalam ni Klyde kay Aleina kahit bukas pa naman ang alis nito, si Klyne naman ay nanatiling tahimik na bago para kay Aleina, madalas kasi ay madaldal sa kaniya si Klyne pero ngayon ay tahimik lang ito.
Ang totoo, hindi maganda ang pakiramdam ni Klyne nang araw na yun, hindi niya malaman kung bakit, wala naman siyang sakit, hindi naman siya mainit. Pagbalik nila sa ospital ay parehong nakaramdam nang panglalamig ang kambal pagpasok nila sa kwarto ng ina nila na kasalukuyang natutulog.
May sakit ang mommy nila, meron itong Cancer at malala na, pero lumalaban pa rin sila, halos dalawang taon na itong nakikipaglaban sa sakit na Brain Cancer.
Hindi na nila nakakausap ang mommy nila simula nang maratay ito sa ospital, nahihirapan kasi ito magsalita. Madalas ay wala ito sa concentration at hindi alerto sa kung ano ang mangyayari, kaya she end up in hospital.
Hindi maipaliwanag nang kambal ang lamig na nararamdaman nila, ang bigat ng pakiramdam nila, hindi iyon dahil sa pag-alis ng kaibigan nilang si Aleina kundi sa isang bagay na hindi nila maipaliwanag, pinagpapawisan nang malamig ang kambal nang mapansin sila ng daddy nila na kasalukuyang matiyagang nagbabantay sa mommy nila habang hawak hawak ang kaliwang kamay.
"May problema ba kayong dalawa?" tanong nang papa nila.
Tumingin sa isa't isa ang dalawa. Parehong hindi sumagot, hindi nila alam kung ano ang sasabihin. Kaya lumapit sa kanila ang daddy nila. Nagulat sila ng bigla silang niyakap ng daddy nila habang nakaluhod.
"Dad what's wrong?" tanong ni Klyne.
"I love both of you." malungkot pero punong puno ng pagmamahal na sagot ng Daddy nila.
"Youre weird dad." un lang ang nasabi ni Klyde. humiwalay sa kanila ang dad nila na malungkot ang ekspresyong ng mukha.
Bago magsalita ay tumingin muna ito sa asawang nakahiga sa kama ng ospital, saka huminga ng malalim at buong tapang na tinignan sa mata ang kambal.
"We're leaving, I mean you're both leaving I'm not coming with you.."
Nagulat ang dalawa. "Your joking dad." Klyde.
"Tomorrow, before daybreak, ang flight niyo, pupunta kayo ng states don't worry kasama niyo si Mang Pedring diba siya ang paborito niyong driver? pumayag na siya na sumama sa inyo." pang-ngungumbinsi sa kanila ng dad nila.
"WHY DAD?" galit na sagot ni Klyne.
Hindi nakasagot ang daddy nila, hindi alam kung paano ipapaliwanag sa murang kaisipan ng mga bata ang mga nangyayari.
"Why dad?? Why do we have to leave? How about mom? Is she okay already?" sunod sunod na tanong ni Klyne sa ama, pero hindi pa rin ito makasagot.
"I'm not leaving, were staying here!" pagmamatigas ni Kldne
"You have to leave." mahinahong sagot ng dad niya.