THIS CHAPTER IS DEDICATED TO MY BELOVED FRIEND JESSICA,
THANKS FOR SUPPORTING ME AND MY STORIES, YOU BEEN THERE SINCE 'NO HAPPY ENDING', YOU DON'T KNOW HOW MUCH I APPRECIATED IT SO MUCH :))) FROM THE BOTTOM OF MY HEART, THANK YOU AND I LOVE YOU SO MUCH <3
Si Aleina ang batang babaeng nangongolekta ng barya.
Kinabukasan, maaga palang ay excited nang pumunta si Klyne sa ospital hindi para dalawin ang inang nakaratay kundi para hanapin si Aleina. Luckily, tulog ang mommy niya ng dumating siya kaya naman may oras na siyang hanapin si Aleina.
Nilibot niya ang ospital pero hindi niya nakita si Aleina, sinubukan niyang hanapin din ito sa playground sa likod ng ospital pero hindi niya rin ito nakita, gusto niya sana tignan sa gubat kung nandun si Aleina kaya lang natatakot siyang baka hindi na makalabas, hindi niya pa naman kabisado ang lugar.
Lumabas siya ng ospital dahil sa pagkakaalala niya ay malapit lang ang bahay nito sa ospital, naglakad siya sa paligid ng ospital at natagpuan ang isang malapit na squatters area, pumasok siya hoping na makita niya doon si Aleina. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay may isang matandang babae ang pumukaw sa atensyon niya, nagsisigaw ito na tila may pinapagalitang bata.
"Napaka walang kwenta mo talaga! PALAMUNIN!" sigaw ng matandang babae.
Nakita niya ang isang batang babaeng naka puting bestida ito rin ang suot suot niya kahapon nang makita niya ito, si Aleina, may dala dala itong isang timba ng tubig halatang nahihirapan ito sa pagbubuhat.
"Bilisan mo ang pagkilos madami ka pang gagawin! Ang bagal bagal mo talaga!" sigaw ulit sa kaniya ng babae, gusto niyang magalit at batuhin nang bato ang matandang babae, lalapit na sana siya ng bigla nalang may humawak sa kaniya, tiningala niya ang matangkad na lalaki na humawak sa kaniya.
"Anong ginagawa mo ditong bata ka?" tanong sa kaniya ni Mang Pedring ang driver nila.
"Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong niya.
"Pinapahanap ka ng daddy mo, ang sabi ko kasi ay nandun ka sa ospital para bisitahin ang mommy mo kaya lang ay hindi kita mahagilap akala ko'y kung ano nang nangyari sayo, mabuti nalang at nakita ka ng guwardya ng ospital na papunta rito, ano bang ginagawa mo dito? Pag nalaman ng daddy mong nagpunta ka sa ganitong klase ng lugar ay siguradong mapapagalitan ka!" sermon sa kaniya ni Mang Pedring.
"P-Po? W-wala po."
"Naku tara na." saka niya ko hinawakan sa kamay at naglakad na kami pabalik sa ospital.
"Mang Pedring wag niyo po sana sabihin kay daddy kung saan niyo nakita sigurado po akong magagalit po saken iyon."
"Eh ano ba kasing ginagawa mo ditong bata ka?"
"May hinahanap po kasi akong batang babae."
"Batang babae? Sinong batang babae?"
"Si Aleina po, kaibigan ko po."
"Osige, pero sa susunod wag ka na pupunta doon sa lugar na iyon at baka kung ano pang mangyari sayo naiintindihan mo ba?"
"Opo."
Pagdating namin sa ospital, inabutan niya ang daddy at mommy niya na naguusap, sa expression ng mukha nila ay mukhang seryosong bagay ang pinaguusapan nila pero agad din naman nawala ng makita siya. Sinabi ni Mang Pedring na naglalaro siya sa playground sa likod ng ospital kaya hind nagalit sa kaniya ang daddy niya.