Hindi na nagtagal sa San Martin ang kambal, after a week ay umalis na sila sa San Martin. Pagkatapos bisitahin ang puntod ng kanilang ina ay napagdesisyunan na nilang umalis at pumunta na nang maynila.
Sa Manila,
"Hoy, Klyne..."
"what?" sagot niya habang tumitinging nang mga damit sa isang stall sa isang shopping centre.
"Bakit tatlong bedroom?" tanong ni Klyde, kakatapos lang nila bumili ng condominium sa Katipunan Area, doon kasi malapit ang university na papasukan nila. Ngayon ay nasa isang shopping centre sila para mamili ng gamit para sa condo nila.
"Nakalimutan mo na ba?" nagtatakang tanong ni Klyde.
"Sa atin titira un kaibigan ni Jessica.."
"WHAT?!" bulalas ni Klyde napatingin tuloy ang mga sales clerk sa kanila at nang mapansin ni Klyde na pinagtinginan sila ay agad niyang kinindatan ito, dahilan naman para kiligin, tsss.
Binatukan lang ni Klyne si Klyde dahil sa ginawa nito, likas na kasi kay Klyde ang pagiging babaero nito,
"Seriously, saten talaga titira un kaibigan ni Jessica?" tanong ulit nito.
"Bakit?"
"Tss, problema un."
"Bakit?"
"Hehe, baka mainlove saken un eh, Haha." Binatukan lang ulit ni Klyne si Klyde, maya maya pa ay nakareceive na sila nang message na okay na daw ang delivery at ihahatid nalang iyon sa condo nila, kay nagmadali na sila umuwi.
Pagdating nila sa condo ay sakto namang dating ng delivery, natapos ang araw nila na nagaayos nang bago nilang condominium.
Ilang araw nalang ay pasukan nila, nagpunta sila sa university na papasukan nila ang "St. Louise University" ang course na kinuha nila ay Bachelor of Science in Finance major in Business Law.
Pagdating nila sa university ay dumiretso sila sa Administrative Office para kunin ang schedule nila. Pagkatapos ay lumibot muna sila sa university sakto naman ay nakita nila si Jessica.
"Kuyaaaaaaaaa!" sigaw nito, pagkakita sa kanila, dali dali itong nagtatakbo palapit sa kanila.
"Tsss, napaka unlady-like talaga tsss." busangot ni Klyde pagkalapit sa kanila ni Jessica kasama ang ilang kaibigan nito.
"Tse," pagsusungit nito kay Klyde "Hi, Kuya Klyne." bati naman nito kay Klyne.
"Bakit si Klyne nag-HI ka? Bakit saken hindi?" tanong ni Klyde.
"Like DUH?!" sagot naman nito.
Napatingin si Klyne sa mga kasama nito, napansin naman ni Jessica ang ekspresyon nang mukha ni Klyne.
"Ah, kuya this is Anna, and Gabrielle but you can call her Gab."
"Hmm, so sino sa kanila un friend mo kako na..."
"Ah, ano--- wala siya dito eh ----" sagot nito habang hinihila nito ang kambal palayo sa mga kaibigan nito.
"O-Okay?" tanong ni Klyne
"Ahm, kuya, ano kasi... medyo complicated kasi eh... ano ... si Aniela nalang ang magpapaliwanag sainyo huh??! " sagot nito.
"Bakit?" tanong ni Klyde.