I DEDICATE THIS CHAP TO MANONG PATRICK, DAPAT SANA KAY PATRICIA, KAYA LANG HINDI KO ALAM UN WATTY ACCNT NIYA THEN IKAW LANG UN NAKA FAN SAKEN HAHA KAYA SAYO NALANG.
Ilang linggo na rin ang lumipas mas naging malapit si Klyne at Aleina si Klyde naman ay mahilig paring asarin si Aleina sa tuwing hahalikan nito ang pisngi niya, naging manhid na rin ang mukha ni Klyde sa tuwing sasapakin siya ni Klyne kapag nahalikan niya si Aleina.
Naging mabait na rin sa kaniya si Aleina, though madalas ay naiinis pa rin ito kay Klyde. Sa mga linggong lumimpas mas dumami ang mga baryang nakukuha ni Aleina dahil tatlo na silang naghahanap ng barya, tatlo na rin ang pangalang nakaukit sa puno, at tatlo na rin silang naglalaro sa gubat.
Pero gaya nga nang sinabi ni Aleina, malapit na siyang umalis. Isang araw habang tatlo silang nagpapahinga sa ugat ng puno ay nagpahayag na siya ng pag-alis.
"Aalis na ko bukas." basag niya sa katahimikan.
Gulat na napatingin sa kaniya si Klyne. "Ano? Bukas na kaagad?"
"Saan ka pupunta?" tanong naman ni Klyde, hindi pa kasi alam ni Klyde ang balak ni Aleina na paglayas sa poder ng tiyahin niya.
"Sa malayo, sa lugar kung saan hindi mo na ko mahahalikan" pangaasar ni Aleina.
Humarap siya kay Aleina "Tss, saan nga?" asar na tanong ni Klyde, concern na rin siya kay Aleina.
"Hindi ko pa alam." sagot naman ni Aleina.
"Sure ka na ba? Bakit parang nagmamadali ka?" malungkot na sabi ni Klyne, hindi niya gusto ang pakiramdam na aalis na si Aleina.
"H-Huh ano kasi, basta gusto ko na umalis."
"Your not a good liar Aleina." Klyne said,
"Di nga gusto ko lang talaga umalis." pangungumbinsi ni Aleina.
"Gusto mo na kami iwan Aleina? Hindi ka na masaya makipaglaro samen?" malungkot na tanong ni Klyde,
"Hindi naman sa ganun, gusto ko lang talga hanapin ang mga magulang ko."
"Asan ba ang mga magulang mo?"
"Hindi ko rin alam."
"Sigurado ka bang gusto mo lang talaga umalis o gusto mo lang talaga takasan na ang tiyahin mo?" hindi maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha ni Klyne habang sinasabi niya iyon, naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya alam kung paano niya pipigilin si Aleina umalis,
Hindi sumagot si Aleina.
"Baka gusto mo ipaliwanag yang mga pasa mong itinatago mo diyan sa kamiseta mo?" galit na sabi ni Klyne,
Hindi uli sumagot si Aleina. Tumayo sa kinauupuang ugat si Klyne saka naglakad paharap sa kaniya, umupo ito sa mga tuyong dahon sa harap ni Aleina, hindi na siya nagulat ng makita ang nagbabadyang pagpatak ng luha nito, agad siyang niyakap ni Aleina bakas sa mukha nito ang takot at galit, nakaramdam siya ng poot sa tiyahin nito, alam niyang ang tiyahin lang naman nito ang nagpapahirap kay Aleina.
"Shhhh, wag ka na umiyak Leina, magiging okay din ang lahat." pagaamo niya dito, pero patuloy pa rin itong umiiyak, naramdaman niyang nabasa na ang balikat niya ng luha nito.
"Si *sob* tita s-sabi n-niya *sob* ibe-ibebenta niya d-daw a-*sob* ako p-para daw s-siya ma-gkapera, *sob* at m-mgkasilbi daw ako s-sakaniya." buong hinagpis na sinabi ni Aleina.