KABANATA 19: Tampo

29 2 0
                                    

Tanging mga maliliit na tindahan nalang ang may tao
Ang daan iilan nalang ang naglalakad
Iilan lang ang mga posteng may ilaw
Ang horror pa ng kulay dahil dilaw

Humahagulhol akong naglalakad
Di ko alam kung saan ako tutungo
May halong takot ang nararamdaman ko maliban sa hindi ko kabisado ang lugar wala pa akong taong kakilala

Sumabay pa sa kalungkutan  ko ang isang napakaliwanag na kidlat
Sumunod ang isang napakalakas na kulog dahilan upang mahinto ako sa paglalakad

Lumipas ang ilang minuto nagsimulang pumatak ang ulan
Dali akong nagtungo sa isang punong malapit sa may kalsada na may poste at puting ilaw dalawang metro mula sakin

Bumuhos ang malakas na ulan napayakap ako sa sarili ko
Mas lalo ako naiyak
Tinutukso ata ako ng panahon

unti unti na nababasa damit ko umupo ako para uminit katawan ko pumantay ang mga tuhod ko sa blikat ko na siyang pinatungan ko ng baba ko

Nanginginig na ako sa lamig
wala ng tindahan sa nahintuan ko may mga bahay pero wala ng ilaw
Isinandal ko ang  noo ko sa mga tuhod ko
Nakayuko ako at patuloy pa rin sa paghagulhol

Paglipas ng ilang minuto naalala ko ang nangyari kanina
di ko na inalintana pa ang kidlat at ang malakas na buhos ng ulan
Ang tanging alam ko nalang gawin ay ang humikbi dulot ng sakit ng katotohanang ang taong nangakong magtatanggol sayo ay siya yung taong tatalikdan ka sa panahong kinailangan mo siya

Bigla bigla naramdaman kong wala ng tubig ulan na pumapatak sa ulo ko

Dahan dahan akong tumingala nagbabaka sakaling tumahan na ng tuluyan  ang ulan

Ngunit paglingon ko sa kalsada patuloy pa rin ang pagpatak

Pansin ko ito dahil sa liwanag na dulot ng ilaw sa poste malapit sakin

Ilang segundo pa may  biglang kung anong bagay ang dumapo  sa likod ko
Nawala bigla takot ko
Isang kulay itim na leather jacket ang pumawi  sa lamig na nararanasan ko kani kanina lang

Hinay hinay ako tumayo at lumingon sa likuran ko

There I found Mike

hawak ang  kulay pula na payong

He just stared at me
For a moment

Then he  surprisingly hugged me tight
I could feel his arms from my back

Pero hindi ko siya ginantihan ng yakap kahit napakahigpit na ng pagkakayakap niya sakin

" Sorry!!! Uwi na tayo Honey"
Wari niya habang di pa rin ako binibitawan

Gustuhin ko man siyang sampalin di ko magawa
Naninigas na ang mga kamay ko sa lamig at pagkapuot

Una akong kumawala mula sa pagkakayap niya

Neither words  came out from my mouth nor  a tear to drop on my cheek

Pinanindigan ko ang aking pananahimik

Hindi ako nagsalita  hanggang sa makasakay na kami ng sasakyan na iniwan  lang pala niya sa di kalayuan

Nakatingin lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang bawat hampas ng matutulis na kidlat
Ilang beses ko siyang nahuling
Sumusulyap  ngunit di ko ito pinapansin

" Pwede bang wag ka na umiyak!! "

Wari niya bigla habang patuloy pa rin sa pagmamaneho

" Kundi mo  ko sinaktan di sana  ako umiiyak"

Tanging sagot ko lang sa kanya

Tumawag  ako kay Clouie  para ipaalam na umuwi na kami ng mansiyon

Pagkarating ng bahay dumiretso ako sa bathroom naligo saka dumiretso sa pagtulog di ko pinapansin si Mike na para bang humahanap ng pagkakataong makausap ako

I heard his footsteps going out of the door

" Pag may kailangan ka nasa baba lang ako"

Habilin niya bago tuluyang umalis
Hindi ko alam kung ano gagawin niya sa baba
At kung meron man ayoko ng alamin
Napatanong tuloy ako  sa sarili ko
Kung ano ba talaga nararamdaman ni Mike
pabago bago siya
Pag ako na nagagalit siya naman ang
Hahabol habol
Takot ba talaga siya mawala ako o takot siya matali sakin habambuhay
kaya niya ako pinagtitiisan

May kahuli hulihan pang luha pumatak mula saking mata bago ito tuluyang  pumikit

Medyo madilim pa ang paligid ng magising ako
Madaling umaga pa pala
Payapa na ang paligid
Tumila na ang ulan
Wala ng kidlat at kulog

Bago tuluyang tumayo inabot ko muna ang lampshade para pailawin

I switched on the light

Binalingan ko ng tingin ang sahig na hinihigaan ni Mike

Tanging mga kumot at unan lang ang nandun wala na si MiKe

Nagtataka ako kung bakit wala siya gayong pinipilit ko pa nga siya magising mula nang umuwi ako

Matapos manghilamos at magbihis dali dali akong lumabas ng kwarto
Walang ilaw sa sala

Nagpatuloy ako sa pagbaba ng hagdan

Hindi pa rin pala nagigising sina Manang

Matapos makababa dali kong tinungo ang kinaroroonan ng switch

Kahit napakaliwanag na ng paligid ko matapos ako magpailaw
Ni anino ni Mike wala ako naaaninag

Nagtungo ako ng kusina
Wala roon si Mike ngunit may mga pagkaing nakahanda sa may mesa sa kusina

Nagduda ako baka nakipagkita na naman si Mike kay Ada

"Mike!"

Tawag ko kay Mike habang nilalakad ang daan patungong basement

"Mike!" pagpapatuloy ko
Wala pa rin sumasagot

"Mike!"

Medyo malakas lakas na tawag ko habang papalapit na ako sa may basement

Nang makita kong madilim ang bahagi malapit sa basement di na ako tumuloy

" Hon!"

Biglang sambit ni Mike
Lumapit siya kinatatayuan ko

" Not Han but Hon as in Honey"

He explained 

" You don't have to explain Mike where have you been?"

" Grabe namis mo ko agad Hon! Kala ko ba galit ka sakin"

" May narinig ka bang sinabi kong namis kita...sinabi ko san ka galing?"

" Yun na nga ehh...dahil nakita mo kong wala sa higaan kaya hinanap mo ko hindi ka sanay na wala ko paggising mo ano?
namimis mo talaga ako agad kaya mo ko hahanapin"

" Hehehhe nakakatawa ka rin pala ano? Sagutin mo na tanong ko pwede ba iniiba mo usapan"

" sa basement lang naman ako galing Hon may inayos lang"

Tumalikod ako matapos siyang sumagot na nanggaling lang siya sa basement

" I missed you!"

Bigla na wari ni Mike habang papalayo ako sa kanya

" I'm tired"

Tangi kong tugon

"Familiar ba Mike?"

He breathed heavily before he said

" Want coffee? Juice? anything?"

" Gusto mo ba talaga masaktan ?pero hindi ko ibabalik  sinabi mo noon masyado yung masakit para maranasan mo"

" Hindi man lang kita naipagtanggol kahapon bakit di ka magalit sakin at kamuhian ako?"

"  ano ka sinuswerte kahit ano gawin mo Mike hindi kita pakakawalan..... HANGGAT gusto ko pa!!! "

" Ano ba talaga gusto mo gawin ko?"

May pagkakainip niyang sabi
Ayoko siyang sagutin
Nanahimik lang ako habang nakatingin sa mga mata niya














When Will I Be Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon