Dumiretso ako sa kwarto ko nang makauwi na kami
Hindi muna ako nakipag-usap ni isa sa mga tao sa bahay gusto ko mapag-isa
Nagbihis ako at pagdako ng alas onse bumaba ako ng kwarto
Pagbaba ko ng hagdan nandun pa sa misa sina Lucho at Clouie
Si Clouie nakabihis na
Pansin kong parang napaka seryoso ng pinag-uusapan nila
" Te Cloy sinadya kong sayo lang talaga sabihin ang tungkol dito dahi kung kay Ate she ko sasabihin di yun maniniwala kokontrahin pa ko nun "
" Hay!!! Ano ba tong nangyayari di ba pwedeng ipagliban muna natin pagsasabi nito sa Ate mo masakit pa puso nung tao sa nangyari kanina dadagdagan pa nitong natuklasan mo"
Hinay hinay akong bumaba ng di nila ako mapansin
" Anong natuklasan mo Lucho at bakit niyo ipagliliban pagsasabi sakin"
Lumapit ako sa kinauupuan ng dalawa
Tumayo sila at para bang nagulat ng malamang narinig ko sila
" Bakit di kayo magsalita? Bessy ? Lucho?"
May napansin akong brown envelope sa ibabaw ng misa
Binuksan ko ito at di naman mawala wala ang tingin sakin ng dalawa
Pagbukas ko ng envelope may nakita akong pictures ngunit nakataob ito kaya iniharap ko
Huminga ako ng malalim sa nakita ko
Ngunit sa halip na maiyak naglakas loob ako
Napagod na maluha ang aking mga mata
Wala ng gusto pang pumatak
" Te Han alam kong masasaktan ka sa natuklasan ko pero totoo ang nasa picture nagpakasal si Ada at Kuya Mike sa Judge...3 years ago "
" Inakala guro nila Bessy di ka na babalik..."
Ibinaba ko ang mga larawan sa misa
" Ano pa Lucho may masakit pa ba dito sa natuklasan mo? Sabihin niyo na nang maubos na lahat ng pasakit nato!"
" Ate han sa pabalik balik ko sa tinitirhan natin may natuklasan pa akong isang masamang balita"
"Wag mo na patagalin diretsuhin mo na ako maniwala ka sa hindi wala ng luhang maipapatak ko pa kaya sabihin mo na"
" Nang mangyari ang trahedya kina nanay ....nalaman ko kung sino ang huling kasama nina nanay at tatay bago mangyari ang krimen
ate nakita niya ang buong pangayayari pero hindi siya nagsalita sa mga pulis
sa madaling salita te wala siyang ginawa para maiibigay ang hustisya kina nanay"
"Sino Lucho?"
Tumingin si Clouie kay Lucho
" S--si Si Mike Bessy"
Para akong nahulugan ng napakabigat na bakal sa ulo ko
Hindi ako makapaniwala sa naririnig
Ang daming utang ni Mike sakin
Paano niya lahat nagagawa sakin to
May magagawa pala siya para malutas ang kaso nina nanay pero wala siya ginawa nanahimik lang siya na para bang wala siyang alam
Mabilis akong nakapagdesisyon
Pinulot ko ang mga pictures saka pinunit ng pino pino
Halos takbuhin ko ang pinto sa pagmamadaling makalabas ng bahay
" Saan ka pupunta Bessy?"
" Maniningil lang ako "
" Te gabi na !!! Sino kasama mo?"
BINABASA MO ANG
When Will I Be Enough?
RomancePag sinabi ko bang mahal kita maniniwala ka ? Paano pag sinabi kong di na kita mahal maniniwala ka rin bang hindi na talaga?
