Lahat ng bagay sa mundo nagtatapos
Lumipas ang isang taon
Wala na ako balita kay Mike
Masakit para sakin ang lahat ng nangyari dahil di man lang ako nakabawi sa kanya
Sana nagkasama pa kami bilang pamilya at
Sana naalagaan ko pa siya
Nasa tabi sana niya ako at sinasamahan siya sa pagsubok na kinakaharap niya
Mali siya ng inakalang di na ako iiyak pag nawala siya sa piling ko
Dahil magpahanggang ngayon
Bumabalik pa rin ang mga ala-alang sabay naming binuo
Sa dinami dami ng mga salitang binitawan ko Kay Ada noon naging emosyonal pagbabati namin
Lumipat kami sa bahay na pinatayo ni Mike
Si Miguel at James naiwan sa mansiyon para mapangalagaan ang Farm at ang kumpanya
Ang hustisya para sa mga magulang ko naisakatuparan na
naging witness pala si Mike at ipinaasikaso kay Atty. Lopez ang takbo ng paglilitis
Nalaman kong isa lang pala sa kasamahan nina Tatay ang
Pumatay sa kanila
Dahil kinausap ni Senyora Lucia sina Tatay at sinabing sila na ang mangangasiwa ng farm kaya nainggit sa kanila na naging dahilan upang kitilin nila ang buhay ng mga inosente Kong mga magulang
Hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako sa pagpapaliwanag sa anak ko
Kung nasaan na tatay niya
Mula sa terrace ng bahay pinapanood ko sina Miko Lucho Clouie at Sheryl na naglalaro ng piringan ng mata
Napaluha ako nang maalala ko ang unang pagkikita namin ni Mike
Hawak hawak ko siya noon sa mukha
At inaamoy pa at niyakap
Pero ngayon parang napakaimposible ng mahawakan ko mukha niya maamoy at mayakap ulit
Masaya silang naglalaro sa baba sa may bermuda ng bahay
Napapalibutan ang bahay ng iba't ibang kulay ng bulaklak na gumamela
Dinadalaw pa rin ako gabi gabi ng pangungulila
Pilitin ko man wag malungkot tulad ng binilin niya di ko magawa dahil
Magpahanggang ngayon sariwa pa ang sugat ng paglisan niya
Sobrang sakit dahil umalis siya ng hindi man lang kami nagka-usap bilang mag-asawa
He left me broken , he left me in the middle of competing big waves and strong wind blows
I hate you Mike for lying
But I hated myself for leaving you and letting you go
The night I escaped from your arms
and left you with wrath in my heart
At sa loob ng apat na taon ipinagkait ko sayo ang sanay maliligayang ala-alang maibabahagi mo sa anak natin
I'm sorry!!!
I'm sorry!!!
Kung sinabi mo lang sana ng mas maaga ang lahat
Eh di sana nagkaroon pa tayo ng pagkakataong sulitin ang bawat pagpatak ng oras na kapiling ang isa't isa
Tumingala sila mula sa baba at kinamayan ako
Ngumiti ako at bumaba ng bahay
Pagbaba ko saktong papasok ng gate sina Miguel at James
" Bessy sali ka at isasali rin natin ang dalawa"
Sabay turo ni Clouie kina Miguel
" ang tanda mo na Bessy para maglaro niyan...kayo nalang"
" Bessy mas lalo ka tatanda pag di mo nilalaro ang mga larong pambata ano ba sinasabi ng mga tao pag may nakikita silang matanda na naglalaro ng pambata?"
" Para kang bata"
"Diba ang sarap pakinggan tinatawag ka na bata Bessy "
Sabay tawa si Clouie
BINABASA MO ANG
When Will I Be Enough?
RomancePag sinabi ko bang mahal kita maniniwala ka ? Paano pag sinabi kong di na kita mahal maniniwala ka rin bang hindi na talaga?
