Dumating na nga ang gabi ng party
Hindi alam ni Lucho na sa party punta namin ni Clouie
Ang sinabi lang kasi namin may i me meet lang na isang principal dahil plano ni Clouie na bumalik sa pagtuturo
Wala na siyang maraming itanong pa
Sinundo kami ni James
Nakasuot si Clouie ng kulay blue na off shoulder na long gown
Si Mike naka Tuxedo at kulay pula naman sakin na fit at strapless na mahabang gown din
" Bessy tingnan mo to!"
Sabay bigay ni Clouie sa programme ng party
" James sino gumawa ng programme?"
Pagtatanong ni Clouie
Commercial Artists: Mr. Mike Angelo Del Carmen (owner of the company) Ms. Hannah Stephanie Mendez (company shareholder)
Nabasa kong nakasulat sa programme
" Si Ada ang organizer ng party Cloy Bakit?"
Sa salamin lang na nasa harap kami tinitingan ni James
" Sarap ipakain sa kanya"
Hinawakan ko ang kamay ni Clouie
" Bessy hindi gulo pupuntahan natin dun "
" Nga pala Bessy ayaw mo ng gulo away lang"
Hay ! Naisingit pa talaga niya biro niya
Sa isang mamahaling convention building pala idadaraos ang party
Pagkarating namin sa venue
Agad sinalubong kami ni Manong Jude ang pumalit kay tatay bilang lider ng mga farmers
Nakikita ko ang galak sa mga mukha nila nang makita nila ako
" Senyorita ! Sabi ko na nga ba sa kanila darating ka kaya napilitan ang iba kong kasamahang sumama at mag renta ng mga susuotin"
Di mapawi pawi ngiti ni Manong Jude
" Namimis na po kasi namin kayo Senyorita kaya pag pasensyahan niyo na kong di namin mapigilan matuwa Isa pa po may isa pang mapilit si Sir James"
Pagpapliwanag ng asawa ni Manong Jude
" Okay lang ho Manang Lilay natutuwa rin ho ako at nakarating kayo marami ho tayong pag-uusapan"
" talagang makulit ho tong si James"
Wari ni Clouie habang nakahawak sa bisig ni James
" so Paano tara na sa loob tay Jude, Han"
Anyaya ni James
Talagang malapit sa kanila si James
Sinalubong ako nina Ms. Solis
Mr. Rubillos at Mr.Billones mga members ng board
Sabay bati
Naupo kami sa grupo ng magsasaka sa halip na umupo kasama ang mga miyembro ng board
I can see Ada
From a distance
Nandun siya malapit sa mga technical operators ng party sa backstage
Abalang abala siyang tingnan
" Para kang giraffe sa ginagawa mo Bessy , hinahanap mo siya?"
Tanong ni Clouie na nakupo katabi ko sa isang rounding table
" Hindi ! Kinakabahan lang ako Bessy"
" Bakit ka kakabahan? Sila may utang sayo noh"
" Good evening ladies and gentlemen welcome to the Lucia wine company success party"
Sabay na bati ng dalawang hosts na bakla at nakasuot ng kulay puti at yellow na long gowns
Nakita ko si Mike na kalalabas lang mula sa backstage
Iniisa isa niyang kinamayan lahat ng mga bisitang nakupo sa special na mga upuan sa harapan
Saka naupo sa tabi ni Ada
BINABASA MO ANG
When Will I Be Enough?
RomancePag sinabi ko bang mahal kita maniniwala ka ? Paano pag sinabi kong di na kita mahal maniniwala ka rin bang hindi na talaga?
