KABANATA 22:Pansamantalang paglimot

30 2 0
                                        

Nagpahatid ako kay manong Jes kina Clouie
Maliwanag na nang dumating kami

Si Clouie ang nagbukas ng pintuan

Nagpatuloy ang pagpatak ng luha ko at niyakap ako ni Clouie

Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari

" So paano na yan ngayon?, I mean paano na ang plano mo?"

" Sa ngayon ayoko muna siyang makita total gusto rin naman niya to Bessy"

Isang linggo ako nanatili sa bahay at nakasama ko ng mahaba haba ang anak ko at ang dalawa kong kapatid

Nakailang tawag si Mike pero ni isang beses di ko siya nagawang kausapin

" Han! Glad to tell you this good news!"
Sabi ni James habang nasa hapag kami at kumakain

" Siguraduhin mo lang na good talaga  yan James"

Paninigurado ni Clouie

Habang sinusubuan ko  naman si Miko

" kung hindi niyo pa alam tumaas ang sales ng kumpanya mula ng mailabas ang commercial Han ,Cloy"

Natuwa ako sa sinabi ni James
pati na rin si Clouie at Sheryl maliban kay Lucho

"Mabuti naman James"

Wika ko kay James

" So ano na ang susunod na plano James?"
Pagtatanong ni Clouie

" May--may party na ipinatawag ang board"

" Mas masaya yun James game kami diyan"

Halatang na e excite si Clouie

" Sayo okay pero kay?"

Natahimik si Clouie nang tingnan ako ni James
" Excuse me"
May pagsalungat na tono ni Lucho bago umalis

" ate papasok na kami ni Miko sa loob"
Pagpapaalam ni Sheryl

Kami nalang tatlo ang naiwan

" Han pinaiimbitahan ni Mike lahat ng trabahador ng Farm dahil kung hindi daw dahil sa pag-aalaga nila sa mga prutas hindi magiging posible ang pagsigla muli ng kumpanya"

Pagpapatuloy ni James

" Yun naman pala anong problema dun?"

" Ano kasi Han ! Gusto ng board nandun kayo ni Mike"

Natahimik ako sa sinabi ni James

" Pag-iisipan ko"

Tangi kong nasabi kay James bago siya tuluyang nagpaalam at umalis

Nasa loob ako ng kwarto ni Miko at inaayos mga gamit niya kasama si Clouie
Naglalaro si Miko ng  laruan na iron man na sinabi niyang ibinigay sa kanya ni Mike

" tutuloy ka ba Bessy?"
Pagtatanong ni Clouie

" Ewan ! Hindi ko na alam ang gagawin kahit pilit na akong pinagtatabuyan ni Mike sa pamamagitan ng pagmumukha sakin na mas pinahahalagahan niya si Ada
Ito di pa rin mapawi pawi pag-aalala ko kahit pa nabugbog siya di dahil sakin kundi dahil sa kabit niya"

" Di tayo pupunta?"

" Ikaw Bessy pwede ka naman pumunta"

" pag wala ka wag nalang baka ano pa magawa ko sa Ada na yun"

"Nanay "

Bigla lumapit si Miko at inabot ang laruang hawak ko na ililigpit ko sana

Siya ang nagligpit ng laruan matapos kunin sa kamay ko

" Very good naman ng  baby ni Nanay"
Sabay halik ko sa pisngi ni Miko

" Nanay tapos na po ba trabaho niyo nasan na po si Tatay ? gusto ko na siya makita nanay"

Nagkatinginan kami ni Clouie

" Nanay sabi ng kaibigan ko kung mahal daw tayo ni tatay hindi daw niya tayo iiwan Nanay ....mahal po ba talaga  tayo ni Tatay"

Sinusubukan ko  pigilan ang maiyak sa harap niya pilit ko inaayos boses ko nilulunok ko ang mga nagbabadyang hikbi

" O-of course mahal tayo ni Tatay nak"
Saka ko niyakap si Miko

Nasa may veranda kami ni Clouie
Nakatingin sa buwan na maliwanag

" Bessy!!! Sa huling pagkakataon susugal ako para kay Miko kahit pa parang ang tanga tanga ko na"

" So ano ? Pupunta ka sa party!"

" Oo pagkatapos pag kaya ko pa uuwi ako ng mansiyon tatapusin ko ang anim na buwan"

" Paano si Lucho tiyak di yun papayag  bumalik ka ulit"

" Hindi nalang ako magpapaalam sa kanya para di siya magalit at pigilan pa ako"

" Tatawagan ko si James
ico confirmed ko na darating tayo"

" Sige Bessy ikaw bahala"

Bago natulog sinamahan ko sa  pagdarasal si Miko

" Dear Papa Jesus salamat po at lagi na nandito  si nanay salamat at nandito rin sina tito Lucho tita Sheryl at Nanay Clouie... Patawad po sa lahat na nagawa namin Papa Jesus ...Papa Jesus!!"

Narinig kong ibinulong ni Miko ang dalawang huling salita

" Papa Jesus sana po papuntahin mo na po si tatay sa amin para hindi na malungkot si nanay thank you po In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit Amen"






When Will I Be Enough?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon