" Bessy "
Nagmamadaling tumakbo papalapit sa akin si Bessy
" Bessy! May nakalap akong balita I mean masamang balita"
Natataranta si Clouie na niyuyogyog balikat ko
" Relax ! Ano yun Bessy?"
" Bessy si Ada "
" Ano si Ada?"
" Pinapalayas na sina Manong Jude at iba pang mga trabahador sa farm"
" Ano ? San mo naman yan nakalap Bessy?"
" Kay James maaga kasi siya pumasok sa kumpanya"
Ang aga ng masamang balita ni Clouie
" Please Call Atty. Ray Lopez Bessy"
" Sige Bessy"
Nakarating agad ng bahay ang abugado namin noon ni Mike at ngayon abugado ko nalang
" Han nalulugi na ang kumpanya niyo , at siguro ito ang paraan nila para makabawi ang magtanggal ng mga trabahador dahil pag nanatili pa sila tapos walang sapat na kita ang Kumpanya mas lalo itong malulugmok"
" Bakit Atty wala na ba silang ibang solusyon? "
Pagtatanong ni Clouie
" Oo nga Atty , marami pa namang savings ang kumpanya ah"
" Tama ka Han, Pero"
Natahimik si Atty at mukhang alam rin ni Clouie ang sagot
" Bakit?"
" Bessy...you're still the wife"
"So???"
" Han , hindi pwedeng galawin ni Mike ang savings niyo without your consent because it's conjugal"
Napaisip ako at natahimik sandali bago muling nag wika
" Tama Atty at wala rin silang sole authority para paalisin ang mga farmers diba?"
" Kailangan niyong pag-usapan mag-asawa ang bagay na yan para maibangon ang kumpanya kailangan niyong magkasundo isa pa Han ipinagkatiwala sayo ni Senyora Lucia na alagaan ang kumpanya"
" Pag nawala ang kumpanya at ang farm mawawalan ng saysay ang pinaghirapan Nina nanay at tatay"
" Bessy baka may iba pang paraan maliban sa suggestion ni Atty "
Nararamdaman Kong tutol si Clouie sa sinabi ni Atty na makipagkasundo ako Kay Mike
" Bessy alam ko iniisip mo pero di lang to tungkol sa akin "
Tumayo si Clouie
" Kukuha lang ako ng juice"
Salubong kilay niya halatang tutol siya sa sinabi ko
Pagkaalis ni Atty nag-usap kami ni Clouie sa veranda ng bahay
" Gusto mo naman?"
Taray na pagtatanong ni Clouie
" Bessy sinabi ko naman na sayo na may dahilan din ang pagbabalik ko at mukhang sumasang ayon na rin ang tadhana Bessy"
" Ano ba kasi ang binalikan mo pa dito?"
" Malalaman mo rin yun pagdating ng araw "
" Kung iisipin sinabi mo noon ayaw mo na at may iba ka ng rason para mabuhay pa"
" Parte to ng plano ko at sana suportahan mo ako Bessy "
" Pag nakita kita uli umiyak dahil sa kanya ipapasagasa ko siya sa pison Bessy at huwag niya lang gagawin ang kinakakatakutan ko"
" alam ko yun siyempre , iniisip ko din mararamdaman mo ayoko rin masaktan ka Bessy"
" So ano paghihiganti ba tong gagawin mo"
" Hindi Bessy It's a challenge"
" Anong challenge?"
" How to get your ex back challenge"
" Gaga basta wag mo kakalimutan para lang to sa kumpanya at kung anuman plano mo pang iba Bessy"
" Alam ba to ng mga kapatid mo?"
" Yung plano ko di nila pwedeng malaman , ang tungkol sa kumpanya sasabihin ko pa mamaya"
" Ano ba kasi plano mo?"
"Malalaman mo pagdating ng araw "
Sabay kindat ko sa kanya
Agad ko sinabihan ang mga kapatid ko at napapayag ko naman sila sa huli na magbabalik ako sa buhay ng taong nagdulot ng grabeng pasakit sa buhay ko noon
" Basta ate wag kana ulit magpapakatanga ha"
Habilin ni Sheryl
" Aray She ha"
" Biro lang ate ! What I mean wag ka na magpapaapi uli "
" Isa pa ate ayokong nakikita kang umiyak ulit makakatikim si Kuya Mike ng kamao ko pag nagkataon"
Sabat ni Lucho
" Hali nga kayo "
Then I embraced them tightly
Di ko malaman ang nararamdaman
Handa na kaya ako makita siya ulit
I mean handa na ba ang puso kong
makatagpo siya uli sa pangalawang pagkakataon
Nagdasal ako sa Poong Nazareno gaya ng ginagawa ko noon pag di nakakauwi si Mike
Naalala ko tuloy may Allergy sa dasal si Mike ayaw niya manalangin
Hiningi kong patnubayan ako sa mga planong gagawin ko at naway mapagtagumpayan ko ito
BINABASA MO ANG
When Will I Be Enough?
Storie d'AmorePag sinabi ko bang mahal kita maniniwala ka ? Paano pag sinabi kong di na kita mahal maniniwala ka rin bang hindi na talaga?
