Scene 5: Impulse

9.6K 184 7
                                    

Scene 5 : Impulse : Thunder


Thunder


Tapos na akong maligo at nagsusuot na lang ng polo shirt nang bumukas ang pinto ng silid ko. A familiar smell reached my nose. It's a smell I can only relate to care, love and home. It's the smell of my Granny Celeste.



"Kanina pa kami naghihintay sa baba, Thunder," wika ng lola ko na lumapit at inabot ang butones ng shirt ko at siya ng umayos.


"Pinaakyat mo pa kasi ako eh," himutok ko..




"You look like like a ruffian earlier. At isa pa, nagsusumigaw ka kanina sa hapag-kainan. Naiiyak na 'yung kawawang babae kanina. You're intimidating her."




"Sadya 'yun, La. Para magbayad sya."




Tumaas ang isang kilay ni Granny. "Even if you're perfectly aware na she's not capable? Bakit mo siya ginigipit?".



Nagkibit-balikat ako. "I don't know. Nakakainis ang inasal niya kagabi. You should have seen her. She's so wasted! At ang ginawa niya dun sa paborito kong kotse? GoD! Muntik ko na siyang mapatay. I hate her kind of woman. Sayang...napakaganda pa naman..." pabulong na lumabas sa bibig ko ang huling mga kataga. Wala naman akong balak idagdag sana 'yun, kaso naalala ko ang mukha nung babae. Na totoo naman talagang maganda.





Pero sabi ko nga, hindi ko siya type.


Hindi talaga.

Kahit ubod niya pa ng ganda.



Saka sexy.


So no, hindi ko siya type.




Promise.




"You despise her that much?" pangungumpira ni Granny sa akin.




"Absolutely."




"Hmmm...then it's unfortunate for you."



I scoffed. "Why? She's not my type. Hindi nakakapanghinayang."




"That's not what I mean, Thunder."





Nagsalubong ang mga kilay ko, confused.






"It will be unfortunate for you since makakasama mo siya ng matagal sa bahay na 'to—"




"What?!" Tama ba ang rinig ko?



"—24 hours,  five days a week."





"Wait, what?!"




"She'll be your personal maid in this house. And I hired her myself, so hindi mo siya pwedeng tanggalin. Ako lang ang may kakayanan nun."







Sobra akong shock. Mas shock pa nung binato ng babaeng 'yun 'yung bote sa kotse ko.





Nakahuma naman ako kaagad. "W-Why would you do that, Granny? Sinira niya ang kotse ko at sinukahan niya ako, tapos bibigyan mo pa siya ng trabaho? Nasaan ang logic dun?"




"Simple. She needs to pay the damages on your car but she's unemployed. So I gave her a job so that she can pay you. Simple lang 'di ba, apo? Hindi ka na mamomroblema na hindi ka niya mabayaran. 'Yan ang pinuputok ng butse mo kanina, remember? Problem solved!" nakangiti si Granny na para bang nakapaganda ng ideyang naisip niya.





Maid for Thunder [SPG/R18+] [The Zyclones Series #1] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon