Scene 17: Brawl

9.5K 143 11
                                    

Scene 17: Brawl

Kelli


"Shit, Thunder, Kelli! Kayo pala 'yan?!" shock na bulalas ni Kenji nang makilala kaming dalawa.







"You know these people?!" may kasama namang pagkalito ang gulat sa tinig ng babaeng kanina lang ay ka-sex ni Kenji. Ito ang may hawak ng camera na hanggang ngayon ay bukas pa rin ang flash. Hula ko ay video iyon at hindi basta photo lang.
Si Thunder ay napamura na rin. "Yes, kilala niya ako. Can you please turn off the damn camera?! Nasisilaw kami," galit niyang singhal sa mga ito.







Ako naman 'tong si hindi magkumahog na takpan ang sarili ng mga damit na kanina lang ay hinubad sa akin ni Thunder. Anak ng pating, ako lang ba ang concern na tila kami mga sanggol na walang saplot ngayon?! Mas inuna pa ni Thunder ang flash keysa sa katawan naming dalawang nakabandera!
"Ay sorry! I'll turn it off na!" nagkukumahog na maarteng sabi ng babae na tila nasindak naman sa pagtaas ng boses dito ni Thunder. Sa tono ba naman kasi ni Thunder ay parang papatayin niya yung babae kapag hindi nito tinigil ang pag-video.







Nang patayin na ng babae ang flash at hindi na ako nasisilaw ay saka ko lang napagtanto na hindi lang pala kami ni Thunder ang hubad kundi pati na rin ang dalawa! Kaya naman pala walang pakialam ang lahat!







Bilang ako lang naman ang conscious at may hiya ay ako na ang nagpoint-out ng obvious. "Guys, hubad po tayong lahat," nahihiya pero sarkastiko kong sabi.







Umangat lang ang kilay ng lahat na tila sinasabi na "ANO NAMAN?!"








"Hoy mata mo, Kenji, baka dukutin ko 'yan?" banta ni Thunder nang mapansin na tumagal ang titig sa akin ni Kenji.






Pinandilatan naman ni Kenji si Thunder. "Wow, kayo na 'tong namboboso kaw pa 'tong galit?!" napapailing na pumunta si Kenji nang banyo. Nang lumabas ay may dala nang dalawang roba. Iniabot niya sa akin ang isa, samantalang initsa niya naman kay Thunder ang pangalawa. "Hihintayin namin kayong dalawa sa may sala. i need some explanation regarding this bago pa ako tumawag ng pulis at ipadampot kita, Thunder , na sigurado naman akong may pakana ng lahat ng ito."








Pagkatapos nitong sabihin iyon ay lumabas na ito kasama ang babae.




"Ano na ang gagawin natin?!" nagpapanic kong sabi habang nagbibihis ng damit ko. Sa tanan ng buhay ko ay hindi pa ako nakarating sa presinto! Jusko mapapatay ako ng nanay ko ng di oras!





"Don't worry, pag-aari ko ang hotel na 'to. Hindi niya gagawin 'yun or else, hindi siya makakalabas ng buhay."

~*~

"Ngayong lahat tayo ay may mga saplot na. Pwede ka ng magpaliwanag ngayon, Thunder. Bakit mo ginawa 'to?" may panganib sa tinig ni Kenji. Halatang nagtitimpi lang ito kanina pa. Hindi ko naman siya masisi dahil mali naman talaga ang ginawa naming dalawa ni Thunder. Oo, nagpakaladkad ako sa kaniya sa loob ng cabinet pero may consent ko naman yung pagtigil doon at pakikipatalik.


Nag-iinit pa ang mukha ko nang maalala na nakipagsabayan ako sa pakikipagniig nila Kenji at ng kasama nito.










"Simple lang, Kenji. For you to stay away from Kelli," mariing sabi ni Thunder. Kahit siya ay tila huhulagpos ang galit anumang oras. Naglalabasan ang mga ugat sa gilid ng noo niya. "You are trying to seduce her while having sex with someone else! Sa tingin mo ba tatanga lang ako habang nililioko mo siya?"





Maid for Thunder [SPG/R18+] [The Zyclones Series #1] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon