Scene 15: Selfish

7K 150 9
                                    

Kelli





Tumikwas ang kilay ko nang makitang ipinarada ni Thunder ang sasakyan sa garahe ng isang magarang hotel. "Anong ginagawa natin dito?" nagtataka kong tanong.





"May ipapakita ako sa'yo."





Nanghihinala ko siyang tiningnan. "Ano naman 'yun?"




"Malaking—"




Nanghihinakutang umatras ako sa kaniya.  "Hoy SIR Thunder, kung ano mang balak mong yan—AYOKO! HINDI PA AKO HANDA! Bababa na ako at uuwi. GOODBYE!" Kinalas ko ang seatbelt ko at umakmang iibis na ng sasakyan nang pigilan niya ako.





"Teka—"






Hinampas ko ang kamay niya. Napa-aray ang mokong. "Ngayon naman, namimilit ka na?!" nandidilat kong sabi.








"Ano ba yang pinagsasabi mo?  Ang bastos ng isip mo," nakangiwi nitong reklamo, hinihimas ang namumulang kamay.







"Magkaroon ka ba naman ng pervert na amo, hindi ba ako mag-iisip ng kabastusan?"








"Its not what you think ok?" nandidilat niyang panlilinaw. "Saka para namang hindi mo pa nakikita 'yun'." Nginuso pa niya ang ibaba niya na may nanunuksong ngiti sa labi.










Namula ako. Totoo nga naman. Kung mag-inarte ako parang virgin pa ang mata ko. Kumalma na ako after kong maisip 'yun.









"Fine! Lets change the subject. Ano ba 'yang MALAKING ipapakita mo sa akin?" nakasimango kong tanong. Anhirap mag-seryoso kapag 'yun ang pinag-uusapan. Anhirap ding banggitin ang salitang "malaki" nang hindi naalala ang 'ano' ni Thunder. Talaga naman kasing malaki...










Pumitik siya sa harap ko para untagin ako. "Oy! Parang malaswa na 'yang iniisip mo, ah. Mukha ka ng lalabasan sa itsura mo. Ayusin mo nga 'yang pagmumukha mo, Kelli. Baka kung anong mangyari dito sa sasakyan ko ng wala sa plano. Tinted pa naman ito," nakangisi niyang turan.









Pinadilatan ko siya. "Subukan mo lang," hamon ko.








Ngumisi lang ang loko. Pero ang kislap sa mga mata ay parang may balak na. "What I was trying to say is that I'll show you a BIG exposé! Nang matauhan ka na sa kahibangan mo kay Kenjie. Tara na," bumaba na siya ng sasakyan at pinagbuksan ako. Dahil sa kuryusidad ko ay wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kaniya.









Nagtungo kami sa reception kung saan may binigay na dalawang access card sa kaniya ang personnel doon. Nagusot ang noo ko. Dalawang access card? Meaning dalawang room...tag-isa kami? Hmm...











Bago kami umalis doon ay inabutan niya ng tip ang babae. Napataas ang kilay ko sa laki nun. Ganun ba talaga siya magbigay ng tip? Sobrang galante naman. Wala namang ginawa 'yung babae kundi ang ibigay lang ang mga access card. Hindi naman ito maganda para maisipan kong type siya ni Thunder. Hmm...nakakapagtaka na talaga...









Pagkatapos  ay may naghatid sa amin isang malaking suite. Kalalabas pa lang ng lalaki ay nagsalita na si Thunder.











"Let's go."







Napaatras ako sa kaniya. "Sinabi ko na sa'yo sa kotse wala akong balak makipaglampungan sa'yo tulad ng iba mong babae. Wag mo kong nile-lets go lets go dyan, sir Thunder."









Maid for Thunder [SPG/R18+] [The Zyclones Series #1] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon