Scene 10: Surprise

9.3K 206 11
                                    

Scene 10 : Surprise : Kelli

Kelli

"W-Wait, hold that needle!" biglang sigaw ni Thunder sa hirap na tinig nang akmang tuturukan na siya ng gamot para sa allergy niya. Allergic pala si Thunder sa peanut na ginamit kong sangkap sa niluto kong "sosyal" na ulam.

Nagkatinginan kami ng Doctor na nagtaka sa reaksyon ni Thunder.

Walang ano-anong hinablot niya ang kamay ko. "Y-You might as well suffer with me, since kasalanan mo 'to, " he muttered. Pagkatapos ay pumikit siya bago sinenyasan ang doctor na ituloy na ang pagturok.
Nagugumilihanan pa ako sa mga pinagsasabi ni Thunder nang biglang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Lumukot din ang mukha niya na tila nahihirapan. Habang ibinabaon ng doctor ang karayom sa balat niya ay siya namang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.



"Aww..." impit kong daing. Tila kasi dinudurog ni Thunder ang kamay ko sa higpit ng hawak niya. 'Yun pala ang ibig sabihin niya sa 'mag-suffer kasama siya'. Bwisit talaga.


Parang nagpipigil naman ng tawa ang doktor dahil ako 'tong umaaray.

Nang matapos ay parang namanhid ang kamay ko. Unti-unti namang nag-relax ang kamay ni Thunder bagaman hindi pa rin ako binibitawan. Naiilang na ako kaya't sinubukan ko ng bawiin pero humigpit lang ang hawak niya.


Nagtatanong ang mga matang nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Pero nakapikit na ang mga mata niya. Mukhang emeepekto na ang gamot na itinurok sa kaniya.

"He will sleep for two hours at least, hayaan mo lang siya," ang sabi ng doctor sa akin.



"Pero--" Tumalikod ang doktor at nilisan na ang silid. "-paano ho ang kamay ko?"


Napabuntong-hininga na lang ako.
May panghihinayang na inilibot ko ang mata sa VIP room. Gusto ko sana i-take advantage ang malaking flat screen TV at malambot na sofa na naroon.




Ang driver na ipinadala ni Viola ang naghatid sa amin doon. Tinawagan ko siya tulad ng naging instruction niya bago ako nagsimulang maging maid ni Thunder: na kung mayroong emergency na hindi ko magagawang ihandle ay contakin ko siya agad. Dumating naman agad ang tumulong sa amin.



Ang nakakapagtaka lang ay diretso kaming dinala sa VIP room pagdating namin ng ospital. To think na allergy lang ang sakit ni Thunder.



Nakakahawa yata ang antok ni Thunder dahil habang iniisip ko ang mga 'to ay unti-unting namimigat ang talukap ng mga mata ko. Ang huli ko na lang naalala bago ako tuluyang ginupo ng antok ay hawak ko ang kamay ni Thunder habang ang ulo ko ay nakaunan malapit sa ulo niya...



Hindi ko alam kung ilang oras ako nakaidlip pero nagising ako sa mahinang takip sa balikat ko. Nag-angat ako ng ulo."P-Po?" tanong ko na groggy pa mula sa pagtulog. Iminulat ko ang mga mata ko at hinintay na luminaw ang imahe ng taong tumapik sa akin.



Unang luminaw ang maganda niyang ngiti at ang puti niyang suot. Sumunod ang matangos na ilong at mga matang nakasalamin. Nang mabuo ang mukha niya sa paningin ko ay napabalikwas ako ng bangon.

Kilala ko ang lalaking ito!


"Sunder Zaide?!" bulalas ko na tuluyan ng nagising. Sino ba naman ang hindi magigising ang diwa kapag crush mo na ang nasa harapan mo?


Nag-smile na naman siya at parang lumukso ang puso ko sa kilig. "Hello, ikaw ang nagdala sa kapatid ko dito, tama ba?"



Parang na-nûno na tango lang ang naitugon ko. Hindi pa kasi ako makapaniwala...


Maid for Thunder [SPG/R18+] [The Zyclones Series #1] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon