Scene 12: Collide

8.4K 163 12
                                    


Scene 12 : Collide: Kelli

Kelli


I got the answer I need.



I should be happy. I asked for it, didn't I? Pero bakit nung nakuha ko na siya ay para naman akong nagluluksa ngayon? Bakit para akong sinukmuraan ng matindi nang makita ko si Thunder na may babae sa kandungan niya at kahalikan?



Yes, kahalikan.



Dapat ay sanay na ako dun. Tuwing makikita ko siya parang laging may kasama siyang babae. 'The Playboy Thunder'. Noong college pa lang ako at sikat na banda pa silang magkakapatid, hindi ba't 'yun ang taguri sa kaniya ng lahat? I should have taken it as a warning. Ang tanga ko talaga.

Ang tanga-tanga.



Gusto kong tumawa doon pero naglalakad ako sa kalye malapit sa club ni Thunder. Marami-rami ang tao sa paligid at magmumukha akong baliw.



Napigilan kong tumawa. Pero biglang nanlalabo ng mga mata ko. Nang iangat ko ang kamay ko upang kusutin 'yun ay naramdaman kong basa iyon. Sh*t, umiiyak ako na pala ako hindi ko man lang namalayan.





Bakit, Kelli? Bakit ka umiiyak dahil kay Thunder? 'Wag mo siyang iyakan! He's not even worth it, ang paulit-ulit kong kastigo sa sarili ko.



Beeeeeeeeeep!



Umangat ang tingin ko nang makarinig ng isang malakas na busina. Upang masilaw lang ng headlights ng sasakyan na humaharurot patungo sa direksyon ko. Babala 'yun para umiwas ako. But it was too fast and there's no enough time.






Tila bumagal ang oras at nakuha ko pang maisip na parang ganoon ang nararamdaman ko kay Thunder. I had a warning. A CLEAR warning that I should avoid him. Avoid falling for him. Yet, nung na-realize ko 'yun ay late na.



Way too late. Like now. Dito na yata ako mamamatay. This will be the end of me.






Bumilis muli ang oras. Pumikit ako at hinintay na lang maramdaman ang pagbangga ng sasakyan sa katawan ko-







Ngunit hindi ang sasakyan ang nadama ko kundi isang kamay sa braso ko. Hinila ako nun paiwas ng sasakyan. Humampas ang katawan ko sa mga matitipunong dibdib kasabay ng pagikot ng mga malalaking bisig sa katawan ko.



Nagbunyi ang puso ko. 'Thunder! Niligtas ako ni Thunder--




"What were you thinking, lady? Magpapakamatay ka ba?"







Wait, hindi 'yun boses ni Thunder! Napamulat ako ng mata at tiningala ang mukha ng taong nagligtas sa akin. Guwapo at singkit ang mata na tila sa hapon.





"S-Sino ka?"





Umangat ang sulok ng mga labi niya. "Your savior, dummy. Bakit hindi ka tumingin sa mga kotseng paparating habang tumatawid? Nakatulala ka kanina...!"







Ah, 'yun pala ang nangyari. Hindi ko namalayan na tumatawid na pala ako.







"Kelli!" sigaw ng isang pamilyar na tinig mula sa malayo.







Sabay kaming napalingon ng lalaki. It was Thunder. Tumatakbo papalapit sa amin. "Kenji, layuan mo siya!" sigaw pa nito.







"Do you know him?" tanong sa akin ng lalaking tinawag na Kenji.





"Yes..."


Maid for Thunder [SPG/R18+] [The Zyclones Series #1] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon