Scene 11: Realization

9.7K 174 12
                                    

A/N: This chapter contains multiple POVs.

Scene 11 : Realization :  Kelli & Thunder 

Kelli

"Kelli, okay ka lang ba?" untag sa akin ni Manang Remedios, ang taga linis ng bahay ni Thunder.

Napakurap ako ng makailang beses bago ko na-realize na kanina pa siya sa harapan ko at magkasalubong ang mga kilay sa pag-aalala.


"O-Opo, okay lang ako," sagot ko bagaman halata sa tinig ko na hindi.


Tumango lang ang matanda at nagpatuloy na sa pagpupunas ng mga kagamitan. Batid kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko ngunit hindi nais makialam. Napabuntong-hininga ako.



Napapansin ko buhat ng umuwi kami ni Thunder sa mansyon niya ay lagi na akong tulala. At alam kong dahil 'yun sa halik na namagitan sa aming dalawa. Hindi pa kami nag-uusap ni Thunder tungkol doon kaya't hindi pa malinaw kung bakit niya ginawa 'yun. Pagkalabas niya kasi ng ospital ay dumiretso na siya sa bar na pag-aari niya, tumawag ang manager niya at kailangan daw siya doon.



Paminsan-minsan ay natatagpuan ko na lang ang sarili ko na dinadama ang mga labi ko na para bang may naiwang bakas doon ang mga labi ni Thunder. Then my mind will go back to the scene. Kung paano niya ako niyakap at hinalikan ng mariin.



It wasn't my first kiss kaya nakaka-bother na ganoon na lang ako maapektuhan ng sobra. Ang pinaka-nakakabahala pa ay ang realization ko ng mga oras na 'yun habang nasa mga bisig ni Thunder: that I wanted to kiss him back and embrace him. Nang maging aware ako sa tinatakbo ng isip ko ng mga sandaling iyon ay para akong nagising. Mabilis akong kumawala sa kaniya at tumakbo palabas ng silid.



Why am I feeling this way? Bakit tila may nabuhay na kakaibang dadamdamin sa puso ko nang maglapat ang mga labi namin ni Thunder?


Hayyss...


"Kelli?" untag muli sa akin ni Manang Remedios.



Defensive na mabilis akong nagmukhang alert. Nakatulala na naman ba ako kaya ako tinawatawag ni Manang Rememdios? Mabilis akong nagbigay ng assurance sa kaniya, "Okay lang ako, manang!" wika ko sa pinasiglang tinig.



Tumango ang matanda pero parang hindi 'yun ang sadya niya sa pagkakataong 'yun. "Mabuti naman, Kelli, kanina ka pa kasi napapatulala dyan. Pero gusto ko lang sana 'to ibigay..." May inabot siya sa aking isang cellphone. Kumunot ang noo ko nang makitang pamilyar 'yun.



Cellphone ni Thunder. Na kasalukuyang nag-ri-ring. Sinilip ko ang pangalan --  'CLOUD' ang nakasulat.




"Nakita ko yan sa may lamesa. Ilalagay ko sana sa kuwarto niya pero kanina pa kasi nagri-ring. Mukhang importante. Sagutin mo na," udyok niya.



Bantulot akong sumunod. "Hello, si Kelli po 'to. Personal maid ni Thunder..."




"Oh." Narinig ko ang confusion at disappointment sa tinig ng nasa kabilang linya. "Pwede mo bang ibigay ang phone sa kaniya? I really need to talk to him."




"Wala kasi siya dito at naiwan niya ang phone niya. Sa pagmamadali siguro. Can I take a message?"




Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Cloud. Tila problemado. "No. It's okay. Pakisabi na lang na tumawag ako. Salamat." Iyon lang at pinutol na nito ang linya.






Nababaghan na tiningnan ko ang phone. Pagkuwa'y nagkibit-balikat. Ibinalik ko kay Manang ang cellphone.






"Ano daw ang sabi?" medyo nag-aalala niyang usisa. Hindi na 'yun iba dahil kilala nito ang magkakapatid na Zaide at nakasama sa paglaki. Nalaman ko rin mula kay Manang na salitan siyang nagtutungo sa tahanan nila Sunder, Thunder, Rain at Cloud para linisin ang bahay ng mga ito. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ng magkakapatid sa mga gamit ng mga ito.



Maid for Thunder [SPG/R18+] [The Zyclones Series #1] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon