Scene 7: Unexpected

7.6K 129 11
                                    


WARNING: FOR MATURED READERS! THIS CHAPTER CONTAINS LOVE SCENES NOT SUITABLE FOR  17 YEARS OLD and below. READ AT YOU OWN RISK!



Scene 7 :  Unexpected : Kelli


Kelli

Pabiling-biling ako sa higaan, hindi ako mapakali. Alas-dose na ng hating gabi ngunit nahihirapan pa rin ako makatulog.






Bukod sa namamahay ay batid kong maraming bagay ay gumugulo sa isip ko. Tulad ng rebelasyon kung sino talaga ang amo ko. Nang ibigay sa akin ni Celeste ang trabahong 'yun kasama ang "misyon", bakit hindi nito sinabi kung sino talaga si Thunder? Dahil ba dapat kilala ko na 'to bilang sikat na sikat ito dati? O sadyang nakaligtaan lang?





Haaaaays!




Bakit ko ba iniisip 'yun? Eh ano naman kung isang Thunder Zaide ang amo ko? Eh hindi ko naman siya type! So wala ding pakinabang ang pagiging sikat niya...




saka mayaman...



saka guwapo...


saka hot---


AARRGH! Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Erase! Erase! ERASE!






Tumayo na ako at nagpasyang huwag na lang labanan ang antok dahil nagsasayang lang ako ng panahon at lakas. Naisip ko na bumaba na lang at kumain. Baka sakaling makatulog pa ako. Kanina ay may nakita akong masasarap na chichirya sa kusina na grinocery pa ng huling katulong sa akin. Sinabi ni Celeste na maaari kong kainin anumang maibigan ko dun basta ba hindi ko pababayaan si Thunder—or SIR Thunder pala!—na magutom. 





Dahil hindi ko pa gaanong kabisado ang bahay, todo kapa ako sa pagbaba at sumalalay ako sa memory kung ano ang itsura ng bahay sa umaga. Nagawa ko namang makababa ng sala na animo bulag. Nakarating ako ng kusina at doon ay nakita ko na kung saan ang switch ng ilaw kaya nabuksan ko agad. Pagkatapos ay nagsimula kong hagilapin ang malaking Pringles na alam kong naroon lang. "AHA! Andyan ka lang pala! Lagot ka sa akin, Pringles ka!" kausap ko sa junk food nang matagpuan ko.









Gatas ang inumin ko habang nilalantakan ko ang Pringles. Nasa kalahati na ako ng Pringles ng maisip kong sa silid ko na lang kainin 'yun. Pinatay ko na ang ilaw nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa sala.







Natigilan ako agad.  Napayakap ako sa Pringles ko. Hindi ko alam kung bakit naisip ko kaagad na magtago hanggang sa makaakyat na si Thunder sa kuwarto niya. Feeling ko kasi ipagdadamot niya sa akin 'yun para lang mang-asar.









So ayun, naghintay ako sa may dilim sa pagdiretso niya sa kaniyang silid.








Kaso pagbukas ng pinto ay tila hindi siya nag-iisa. Kita mula sa kusina ang malawak na sala kaya namukhaan ko kaagad kung sino ang babaeng dala ni Thunder. Isang papasakit na artista 'yun sa isang malaking tv station!

Tsk.








Humigpit ang kamay ko sa Pringles. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nangangalaiti sa galit kay Thunder. Dahil ba iba ibang babae ang kasama niya araw-araw? Hindi ito ang babaeng kalampungan niya sa park nung una naming pagkikita!




Imbes na umakyat sila Thunder ay binuksan lang ng lalaki ang lamp na naroon. Naupo si Thunder sa sofa. Kumandong ang babae dito. At habang magkadikit ang mga labi ay isa-isang pinapakawalan ng babae ang mga butones sa damit polo ni Thunder.




Maid for Thunder [SPG/R18+] [The Zyclones Series #1] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon