LAM (01)

23 3 0
                                    

***

Nandito ako ngayon nakikipagjamming sa siyam na naggwa-gwapuhang lalaki sa buhay ko. Kinakanta namin ngayon ang DIAMOND na isa sa mga paborito kong kanta sa bagong nila album entitled 'THE WAR'. May isa pa akong favorite ee yung TOUCH IT at yung THE EVE. Alam nyo ba yung dance step ng THE EVE, grabe...ang seductive, hot at sexy nung chorus part. Parang careless whisper ang style. Nakakapaglaway. They are seducing me everytime na pinapanuod ko yun. Waaaa. *O* (currently daydreaming) Wait...I forgot! Di ko pa pala sila napapakilala...Everyone...I want you to meet Suho, EXO's leader, Lay, EXO's main dancer, Baekyun, one of the main vocalists, Chen, isa pang main vocalist, Chanyeol, ang main rapper, D.O, another main vocalist, Kai, EXO's main dancer, Sehun, the maknae, and last but definitely not the least, My Husband, Xiumin, he's the oldest hyung but certainly the cutest of them all.

Habang kumakanta sila, hindi ko maiwasan na ma-amazed sa kanila. Haaay! Ang ganda talaga ng boses ni D.O. Nakaka-overwhelm. Para siyang lullaby sa pandinig. Manly yet sweet. Binaback-upan naman siya ni Baekyun na merong mataas pero sobrang refreshing na boses at si Chen naman ang bahala sa high notes, keribels niya kahit gaano kataas pa yan. From Rapper, Singer to Dancer...lahat talaga sila exceptional.

After naming magjam, niyaya na kami ni Xiumin my love na kumain coz now...it's barbeque party time. Feel na feel ko na nun ang pagkain ng masarsang barbeque na tumutulo pa sa gilid ng labi ko ng maramdaman ko na parang sumasakit bigla yung tenga ko.

Nagulat ako ng biglang naglaho yung barbeque na kinakain ko sa kamay ko at sila Xiumin my loves...bakit sila lumalayo sa akin? Anong nangyayari? Waaa. Noooo. Huwag nyo akong iwan.

"HOY ERICKA! TANGHALI NA GUMISING KA NA. NANANAGINIP KA NA NAMAN DIYAN. HOOOY ERICKA."

Nagulantang akong bigla at napasigaw ng BARBEQUE sa gulat sa bunganga ng Mama ko na ngayon ay nakapameywang habang pinipingot ang tenga ko.

"Barbeque ka diyan. Bumangon ka na. Alas diyes na aba." Mama naman. Napurnada ang barbeque party namin ng mga Boylet ko ee.
"Opo Ma. Babangon na." Pagkalabas ni Mama sa kwarto ko, duon ako bumangon at niligpit ang hinigaan ko. Nung na-settle ko na ang kwarto ko at ang itsura ko...hinarap ko na ang pinakamagandang bagay na makikita ko tuwing umaga. Ang picture ng aking asawa.

"Good Morning my love so sweet. Pasensiya ka na kay Mama ha. Maingay talaga yun." Saka ko siya kiniss.

Huwag nyo akong husgahan sa mga pinaggagagawa ko. Ganito talaga ako araw-araw. Parte na ng buhay ko ang panghahalay sa litrato ni Xiumin my loves. Ee kasi naman...nakakapaglaway kasi talaga sa kagwapuhan ang isang ito. Kung pwede lang sana akong pumunta ng Korea at iuwi dito si Xiumin ay matagal ko ng ginawa. Haaay.

BTW...I'm Ericka Maecy Gomez. But you can call me Icka, Ricka, Mae, Ericka, Maecy...aist kayo ng bahala. Pero okay na ako sa Icka para maikli. 20 years old. Graduate na ako with a degree of Bachelor of Science in Business Administration major in Financial Management sa isang State University dito sa probinsya namin. Panganay ako sa tatlong magkakapatid at syempre...ako ang Number 0.000000000000000000000001 FAN ng EXO.

Wala pa akong trabaho sa ngayon kasi nga kagagraduate ko pa lang. Pero I believe na si God na ang bahala sa trabaho ko. He will give me the best job. His plan will always matter the most. Kaya hindi ako naiinip kasi alam ko na it's not yet the right time para sa akin.

Life After MagicWhere stories live. Discover now