LAM (06)

21 2 0
                                    

***

After 4 days..

"Haay." Isang linggo na ako dito sa Korea. Isang linggo na rin akong walang kaalam-alam sa pamilya ko. Kung anong nangyari sa kanila, kung anong ginagawa nila o kung kamusta na sila. Hanggang ngayon.. hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin. Kahit kasi anong gawin kong pilit sa sarili ko.. ayaw tanggapin ng isip ko na talagang isang MAGIC ang may gawa nito. Isang MAGIC ang nagpagulo sa simple kong mundo. Isang MAGIC ang nagdala sa akin sa siyam na lalaking magiging malaking parte ng buhay ko.

Sa loob ng isang linggo.. nagawa ko silang kilalanin. Oo. Number 0.0000000000001 Fan nila ako pero aaminin ko.. konti lang alam ko sa kanila. Mga bagay na nalaman ko thru social media pero ngayon- ang dami-dami kong nalaman about sa kanila. Their diverse peronality, their hobbies, their differences even their real relationship status. Lahat yan.. nalaman ko sa loob lang ng isang linggo. Hindi naging madali para sa akin ang mga lumipas na araw. Nag-adjust ako sa klima na meron dito, na culture shock din ako since magkaiba talaga ang kultura ng Pilipinas at Korea, namahay ako, naninabago sa lasa ng pagkain at higit sa lahat.. nagpaka dalagang Filipina ako since mga super duper crush ko ang mga kasama ko sa bahay. Ayoko namang mag-turn off sila sa akin. Parang sinira ko na rin ang image ng mga Filipina kung hindi ko aayusin ang asal, galaw at kilos ko dito.

On the other hand naman, natutuwa rin ako sa mga nangyari. Naging way kasi ang mga nangyari sa akin at sa amin.. para mawala yung ilang at intimidation na nararamdaman ko sa EXO. Kung sa mga unang araw.. ilag ako sa kanila at hindi ako nakikihalubilo dahil nahihiya ako- ngayon, nagiging companion na nila ako sa mga bagay na gusto nilang gawin. Kagaya ni Sehun Oppa.. since siya ang pinakabata- mahilig pa rin siyang maglaro ng video game at dahil matured na ang karamihan sa mga kasama niya.. madalas na siyang maglarong mag-isa. Pero ngayon.. lagi na niya akong hinihila palabas ng kwarto para maglaro ng video game. Okay lang naman sa akin kasi mahilig din ako dun kaya lang.. ang galing niya kasi. Wala akong binatbat. Palagi niya nga akong pinagtatawanan kasi ni minsan hindi ko siya nagawang talunin. Nagkakameron naman kami ng tawagin na nating daily bonding ni Suho Oppa at Chen Oppa dahil kaming tatlo ang laging nakatoka sa  pagluluto. Hindi man daily basis pero nagkakabonding na din kami ni Lay Oppa at Kai Oppa sa twing maglalaba naman kami. Tinuruan ko na kasi sila kung paano maglaba o mas tamang sabihin- kung paano gamitin ang nai-stock na washing machine nila. Palagi pala silang nagpapalaundry nuon dahil nga hindi nila alam kung paano ito gamitin. Si Chanyeol Oppa at Baekyun Oppa naman nakakabonding ko sa twing manunuod ng movie.. ewan ko ba sa dalawa na ito. Palagi na lang akong hinihila para makinuod sa kanila na sa totoo lang ee hindi ko naman naintindihan karamihan sa mga napanuod namin. Paano ba naman? Walang Subtitle! Anyare sa akin? Huhulaan ang kwento ng movie. Si D.O Oppa naman.. nagkakameron kami ng quality time sa twing nagbebake siya o kaya ee nage-experiment ng luto. Palagi niya kasi akong tinatawag para tikman yung mga ginawa niya. Well.. ayos lang naman ang lasa. Hindi naman ganung kasama hahaha. Mahilig pala siyang magpaka-cook.

Meron na akong matatawag na unforgetable memories and bonding kasama ang EXO Members maliban sa isa sa kanila. After kasi ng pag-uusap namin ni Xiumin Oppa four days ago.. hindi na niya ako ulit kinausap. Para bang.. iwas na iwas siya sa akin. Feeling ko tuloy.. may nagawa akong mali o kaya naman, ayaw niya na maramdaman ang existence ko. Para sa akin.. napakasakit nun. Siya ang Bias ko. Siya rin ang future husband ko pero paano mangyayari yun kung sa lahat ng EXO Member.. siya ang may ayaw sa akin. Wala naman akong nagawa na masama sa kahit na sino sa kanila pero bakit siya ganun? Siguro dahil inagawan ko siya ng kwarto. Okay lang naman sa akin kahit na sa couch ako matulog basta pansinin niya ako. Kaya kong mag-give way sa kwarto niya para kausapin niya lang ulit ako. Lahat kaya kong ibigay para kay Xiumin my love so sweet ko. :(

"ERICKA. ERICKA." Si Baekyun Oppa. Bakit kaya siya sumisigaw? Grabe lang. Pwede namang kumatok na lang siya. Baka sumakit pa ang lalamunan niya sa ginagawa niya.

Life After MagicWhere stories live. Discover now