LAM (02)

20 3 0
                                    

***

Para kami ngayong nagi-stare game sa ginagawa naming pagtitig sa isa't isa yet alam ko na talo ako dahil siyam sila, nag-iisa lang ako.

"Haaay." I sighed in confusion. Walang mangyayari kung magtititigan lang kami dito. "Guys...pasensiya na kung naistorbo ko kayo. Kahit ako- hindi ko alam ang nangyayari. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako ee. Pwede bang tulungan nyo ako? Please?"

Hinintay ko silang sumagot pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kanila at parang hindi nila ako naiintindihan.

*Sudden Lightbulb Appeared*

"Tama! Kaya kayo hindi sumasagot dahil hindi nyo ako naiintindihan. Bakit nga ba ngayon ko lang narealized na Koreano kayo at hindi Filipino?! Olags mo talaga Ericka." Kung pwede ko lang sampalin ang sarili ko sa ka-slowan kong taglay kanina ko pang nagawa. Kaya lang...masakit kasi yun ee.

Ano bang dapat kong sabihin sa kanila? Hindi ako marunong mag-korean. Puro lang kasi ako pagpapantasya sa kanila. Hindi ako nagkaroon ng tiyaga na aralin yung language or writing style nila. Ang hirap kasi nun. Paano na ito? Dalawang korean words lang ang alam ko ee. Wait...try natin yung isa.

"Anyeonghaseyo?" Hindi siguradong sabi ko. Hindi ba hi/hello yun? Tama ba ako ng pronunciation? Waaa. bakit hindi sila sumasagot? Bakit ang tahimik pa rin nila?

Napatungo na lang ako sa frustration dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Paano ba kami magkakaintindihan ng mga ito?

Nagulat na lang ako  ng may nagsalita at binati rin ako ng Hello kaya tumunghay ako at napangiti ng hindi ko nalalaman. Si Baekyun Oppa.

"Sa wakas." Napatayo ako nun habang pumapalakpak dahil sa wakas.. May nakaintindi na rin sa akin pero... "Ha? Ano yun? Wait...dahan-dahan lang. Hindi ko ma-gets." Waaaa. Tuloy-tuloy na siya sa pagsasalita ng korean. Wala akong maintindihan. Waaaa.

Parang naging starter pack yung pagsasalita ni Baekyun Oppa dahil ngayon...sobrang ingay na dito sa kwarto na ito. Kung kanina ni isa- walang nagsasalita, ngayon halos lahat sila nagsasalita na. Syempre, maliban kay D.O at Xiumin na pinapanuod lang sila. Parang anumang oras, sasabog na ang utak ko dahil kahit anong pag-intindi sa sinasabi nila...wala talaga akong maintindihan kahit na isa. ERICKA WALA KANG KWENTANG FAN. BAKIT BA KASI HINDI KA NAG-ARAL MAG-KOREAN? AYOKO NAAAAA.

"TAMA NA." Dahil frustrated na frustrated na ako, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na mapasigaw. "Hindi ko kayo maintindihan. Ano bang gagawin ko? Ang hirap naman nito." Naiiyak na ako ngayon kasi wala na talaga akong maisip na paraan para magkaintindihan kami at para na rin makauwi ako sa amin. Habang buhay na ba akong maiistock kasama ang mga ito? Waaaa.
"Baby Don't Cry...Tonight na na na na. Baby Don't Cry...Tonight na na na na na..." Naririnig ko ngayon ang isa sa mga kanta ng EXO na parang tugma sa sitwasyon ko ngayon at duon ako nabigyan ng hint sa dapat kong gawin. Hindi nila ako maintindihan dahil nagtatagalog ako. Hindi ko naman sila naiintindihan dahil nag-kokorean sila. Pwes...baka sa lenggwaheng ito, magkaintindihan na kami.
"Guys? Can you speak in English?" Alam kong mabantot akong pakinggan kapag nagsasalita gamit ang lenggwaheng ito pero wala akong choice dahil ito ang International Language at ine-expect ko na OO ang magiging sagot nila sa akin. Kinabahan na naman ako nun kasi hindi na naman sila nagrerespond pero...
"Yes. We do." SA WAKAS. MAGKAKAINTINDIHAN NA RIN KAMI.
"Great. Mabuti kung ganun. By the way...are you really the EXO?"
"Yes. And you are?"
"I'm Ericka. Ericka Maecy Gomez."
"So...what are you doing inside Xiumin Hyung's room?" T-Teka...ano daw? Nabingi ba ako? Kaninong kwarto daw ito?
"I'm sorry?"
"This is Xiumin Hyung's room. And you are currently sitting in his bed."
"Oh no. Seryoso?" Automatic na hinanap ng mata ko kung nasan ang my loves ko and boom...seryoso siyang nakatingin sa akin. Kinabahan akong bigla dahil nakakaintimidate ng mga tingin niya kaya wala akong nagawa kundi ang umiwas dito. "Ahm...I would like to ask...where am I?"
"In our condo."
"Your condo?" As in condominium unit?
"Yes."
"So...I'm in...I'm in...Seoul, South Korea?"
"Definitely." No way... Paano ako napunta dito? Bakit ang layo ng nararating ko? Ibig sabihin...wala ako sa Pilipinas?! Sheeeez. Mababaliw na talaga ako.

Life After MagicWhere stories live. Discover now